Hindi naniniwala ang Pambansang Marites na si Xian Gaza sa kinakaharap na isyu ngayon ni Awra Briguela kasunod ng pagkakasangkot niya sa rambulan sa Bolthole Bar sa Poblacion, Makati.
Hinuha pa ni Xian Gaza na nagsinungaling lamang ang nagpakilalang kaibigan ni Awra para magkaroon ito ng alibi sa nangyaring gulo.
Matatandaan na matapos magsampa ng kaso ang complainant na nagpakilalang si 'Mark' ay agad namang naglabas ng pahayag ang kaibigan ni Awra at sinabing binastos siya nito.
Subalit, ang nagpapalakas sa hinala ng mga netizens ay kung bakit hindi ito nagsampa ng kaso laban kay Mark.
Ayon pa kay Xian Gaza, kaya walang lumalabas na CCTV footage patungkol sa nangyari hipuan dahil hindi naman umano ito nangyari.
Ipinunto pa ni Xian na wala namang kinalaman ang bar kay Mark kaya hindi umano ng mga ito pinagtatakpan ang complainant.
Ayon pa kay Xian Gaza, mga pulis na mismo at mga bouncer ng bar ang nagsasabing nangyari ang rambulan matapos tumanggi nitong si Mark na gawin ang gusto ni Awra na maghubad siya ng pantalon.
"After pumutok ng issue, napag-initan sa social media ang management ng The Bolt Hole Bar dahil hinayaan daw nitong mangyari ang sexual harassment at hinayaan daw nitong api-apihin si Awra.
"After ko naman ilabas ang mga CCTV footages, nagalit muli ang mga netizens dahil daw bias ang pagkaka-review at hindi daw nila inilabas ang actual footage ng hipuan.
"Kung gagamitan lamang natin ng utak and if we're going to use our critical thinking, the best way for The Bolt Hole Bar to redeem itself is to release the hipuan footage because the entire Philippines is with Awra. The public opinion is with Awra. Kung mailalabas nila ang ebidensya ng hipuan, sila ang magiging bida.
Pero bakit hindi nila ito ginawa?
"Kasi nga walang nahagip sa CCTV na hipuan!
"Those young boys are not from political families. Sila ay mga puchu-puchung jejemon lamang sa gedli kaya there's no effin way na poprotektahan sila ng management."
Naglabas din si Xiang ng iba't-ibang hypothesis patungkol sa totoong nangyari at kung bakit hindi nakunan ng CCTV footage ang sinasabi ng kaibigan ni Awra na siya ay binastos at umano'y hinipuan ni Mark.
"Chesmes Hypothesis 1
Nahipuan ang mga babae sa blind spot ng bar na hindi kita sa CCTV kagaya na lang ng toilet area.
"Chesmes Hypothesis 2
Nahipuan ang mga babae and it was caught on CCTV pero hindi masyadong halata kaya hindi na-review ng The Bolt Hole Bar.
"Chesmes Hypothesis 3
Hindi totoong may nahipuan kaya kung sinu-sino na lang yung mga babaeng nagke-claim sa social media. Walang klaro. Yung iba ay convo screenshots with poser accounts na maaaring fabricated lamang.
"Chesmes Hypothesis 4
Ang hipuan incident ay inimbento lamang ng mga kaibigan ni Awra to protect him from public scrutiny and reverse the narrative to a heroic friend who fought wholeheartedly for his friends. The Justice For Awra campaign went so strong for 24 hours because of the LGBT discrimination and police brutality narrative without knowing the events inside the bar.
"Chesmes Hypothesis 5
Nag-trip yung mga kaibigang babae ni Awra at sinabi sa kanya through chat na yung mga lalaking kaharutan nila sa bar ngayon ay nanghipo kanina kaya biglang nagwala si Awra in the middle of the kasiyahan."
Samantala, hanggang ngayon patuloy pa ring nananahimik ang aktor na si Awra Briguela at hindi pa rin binibigyang linaw ang nasasangkutang isyu.
Maging ang kanyang manager na si Vice Ganda ay tahimik rin sa mga kaganapan ngayon.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!