Muli na namang nababatikos ang rebranded Eat Bulaga matapos nilang ilabas ang kanilang panibagong segment na pinamagatan nilang 'Word of the Rings'.
Napansin kasi ng maraming mga televiewers na ginaya lamang nila ang 'Pinoy Henyo' segment ng legit dabarkads. Magkapareho lamang kasi ang pamamaraan nila sa paglalaro ng mga nasabing segment.
Ang tanging kaibahan lamang ay ang maaring isagot sa 'Pinoy Henyo' ay "Oo", "Pwede" at "Hindi". Samantalang sa 'World of the Rings' ang isasagot naman ay "Tama", "Mali" at "Pwede".
Dahil dito, muli na namang nabatikos ang mga panibagong hosts ng Eat Bulaga maging ang kanilang producing company na TAPE Inc. dahil sa kawalan nila ng originality.
Dagdag pa ng ilang mga netizens na talagang makakapal ang mukha ng mga ito dahil hindi lamang ang title ang nais nilang agawain kundi maging ang ilang magagandang segments ng Eat Bulaga noon.
“The design is very pirated!”
“Gaya-gaya.”
“Same same din yan, binago lang ang tawag at ang pag sagot ng oo, hindi at pwede… Ginawang tama o mali… Kaya may tama ka sa utak…. Solid and legit Dabarkads.. Eto Ang Totoo.. EAT lng sapat na.”
“Hahahah the imitation vs. original!”
“Wala bang silang creative team para makapagisip ng orihinal nila.”
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!