Sa kauna-unahang pagkakataon nagpakita sa publiko si Willie Revillame sa pamamagitan ng isang social media live matapos ang pagreresign ni Willie Revillame sa AllTV.
Sa isang Facebook live, namigay pa ng papremyo si Willie Revillame sa mga maswerteng matatawagan. Ipinahayag pa ni Willie Revillame na mula sa kanyang sariling bulsa ang mga papremyong kanyang ibinigay.
“Even me, wala po akong maging suweldo rito. Gagawin ko lang po ito para maibabalik ang pagbibigay ng saya natin, yung tunay na saya, hindi yung saya na sayawan lang yun na. Yung tunay na saya na nagbibigay ng tulong. Yung tunay na saya na galing sa puso,” pahayag ni Willie Revillame.
Siniguro naman niya sa mga netizens na ginagawa na nila ang lahat ng paraan para makabalik sa telebisyon ang kanyang show kung saan marami umanong natutulungang tao.
Inaayos na rin umano ni Willie ngayon ang mga sponsors, nananawagan din si Willie Revillame at humihingi ng tulong mula sa kanyang mga kaibigan para lamang makabalik ang kanyang show.
“Inaayos ko lamang po na makakuha tayo ng mga sponsors. Kinakausap ko lang po ang ilang mga kaibigan na makatulong sa programa. Alam mo naman ho na pag walang telebisyon, walang masyadong kita. Walang commercials,” pagpapaliwang ni Willie Revillame.
“Humihingi ako ng tulong sa aking mga kaibigan na nangako, di ba? Sana matuloy to para may maibigay kami sa inyo. Kahit papano, gagawa kami ng paraan para matuloy.”
Hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye si Willie Revillame kung anong TV Network ang magiging panibagong tahanan ng Wowowin.
Matatandaan na nauna nang naiulat na hindi naging maayos ang pag-uusap nina Willie Revillame at TAPE Inc.
Gayunpaman, may ilang mga netizens naman ang nakakita kay Willie Revillame na nakikipag-usap na umano sa ibang mga channels at naghahanap ng maaring tatanggap sa kanilang show na Wowowin.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!