Willie Revillame Nabaliktad, Siya Daw Ang Naunang Lumapit Sa Mga Jalosjos!

Linggo, Hulyo 9, 2023

/ by Lovely


 Inalmahan ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin ang naging usap-usapang si Willie Revillame umano mismo ang lumapit at nakipagmeeting sa mga executives ng TAPE Inc. upang pag-usapan ang kanyang show na Wowowin.


Ayon kay Cristy Fermin sa naging talakayan nila sa CristyFerminute, nakarating sa kanila na si Willie umano mismo ang tumawag sa mga Jalosjos upang pag-usapan nila ang Wowowin.


Subalit, nauna na nilang napag-usapan na ang mga Jalosjos  ang unang nagreach out kay Willie Revillame upang kunin siyang guest sa Eat Bulaga.


Agad naman umanong tumanggi si Willie Revillame dala ng kanyang loyalty sa TVJ, pero kung ang kanyang show na Wowowin ang kanilang pag-uusapan ay maari pa umano niya itong pag-isipan.


Gayunpaman, tila nabaliktad pa umano ngayon si Willie dahil tila ipinapalabas ngayon ng magkapatid na Jalosjos na siya ang unang tumawag sa kanila at wala silang plano na kunin siyang special guest sa Eat Bulaga.


Sa kabilang banda, hindi naman naniniwala sina Manay Cristy Fermin sa mga Jalosjos. Mas kapanipaniwala pa umano na ang mga Jalosjos ang nagplano na kunin talagang guest si Willie Revillame sa Eat Bulaga para makipagsabayan sa hype ng dalawang katapat na noontime show na parehong nag pilot episode.


Hindi umano sila naniniwalang si Willie Revillame umano mismo ang mag-aalok sa mga Jalosjos sa kanyang show na Wowowin sa kabila ng pagiging mayabang nito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo