Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at entertainment sites ang cryptic post ni Wilbert Tolentino sa isang tao na tinulungan niya subalit engrata at napaka ungrateful umano.
“Nakakadala tumulong sa tao na indi marunong mag value sa taong may pagmamalasakit at ang worst ay ungrateful asal pinapakita at palaging pabalang sumagot.”
“Nakaka (puke emoji) ang ugali mo. d ka magtatagal sa industria sa Asal na meron ka! Kht saan ka pa lumipat at kung d ka nagbago. binitbit mo lang problema mo sa bago mong pakikisamahan.
"Sorry at indi ko na kaya e defend pag-uugali at cover up ang tunay mong kulay. Nakakalungkot sabihin peto real talk po eto,” pahayag ni Wilbert kalakip ang hashtag ‘Ate Chona to the highest level’.
Isiniwalat pa ni Wilbert na ang taong kanyang tinutukoy ay matagal na umanong naghihirap at siya umano ang tumulong para ito makaahon.
Bagama't hindi naman pinangalanan, marami sa mga netizens ang nag-iisip na ang tinutukoy ni Wilbert Tolentino ay walang iba kundi ang mismong alaga na si Herlene Budol.
Mapapansin rin ang komento ni Madam Inutz kung saan ipinahayag nito ang kanyang pagsuporta at pagmamahal kay Wilbert Tolentino.
“wag mo na intindihin sir mas marami kaming nagmamahal sayo.”
Nakadagdag rin sa paniniwala ng ilang mga netizens na si Herlene Budol nga ang tinutukoy ni Wilbert Tolentino matapos ang pahayag Genesis Gallios, kaibigan ni Wilbert Tolentino at co-owner ng Apollo World Class Male Entertainment & KTV Bar, na paborito nito ang dogshow.
Matatandaan na naging trending na usapin noon ang pang-dodogshow ni Herlene sa Q and A portion niya sa Miss Grand International.
“Simula ngayun boycot muna ang sizzling gambas at tempura kase allergic ako,” dagdag pa nito.
Ang mga nasabing pagkain naman ay may kaugnayan sa Hipon na naging screen name din ni Herlene Budol.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!