Kinasal na sina Maja Salvador at Rambo Nunez ngayong araw ng lunes, July 31, 2023.
Naganap ang much awaited-wedding nila sa Bali, Indonesia. Isang magandang Christian wedding ang naganap sa pagitan ng dalawa.
Naging saksi sa kanilang pag-iisang dibdib ang ilang mga bigating celebrities at kani-kanilang pamilya.
Kabilang sa kanilang sponsors ang BeauteDerm CEO and Founder na si Rhea Tan. Ibinahagi naman nito ang ilang mga kaganapan sa kasalang naganap.
Isa sa mga ibinahagi ni Rhea ang palitan ng 'I Dos' nina Maja Salvador at Rambo Nunez.
Matatandaan na na-engage sina Maja Salvador at Rambo Nunez noong nakaraang taon. Naging pribado naman ang kanilang paghahanda at ang ilang mga detalye ng kanilang kasal.
Samantala, isa rin sa mga bridemaids sa kasal nina Maja Salvador at Rambo Nunez ang kinasal kamakailan lamang na si Maine Mendoza.
Ayon sa aming nakalap na impormasyon, sumaglit muna sa Indonesia sina Maine Mendoza at Arjo Atayde matapos ang kanilang kasal noong July 28 bago sila tutuloy sa kanilang honeymoon sa Europe.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!