Tahasang tinawag na boba ni Vice Ganda ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes.
Si Vice Ganda naman ang naging guest sa Youtube channel ni Andrea Brillantes kung saan ginawa nila ang 'Never Have I Ever challenge with a twist, kung saan ang sasagot ng 'I Have' ay may consequence na gagawin.
Isa sa katanungan sa vlog ay kung pumasok na ba sila sa trabaho o sa taping nang hindi naliligo.
'I Have' ang nasagot ni Andrea dahil naranasan niya umano ito noong gumanap siya bilang Annaliza.
Ayon naman kay Vice Ganda, minsan ay hindi na siya nakakaligo kapag nagmamadali na siya sa pagpasok.
Dahil parehong 'I Have' ang sinagot nina Vice Ganda at Andrea Brillantes, kinailangan nilang kumain ng bawang.
Subalit ginger ang naitawag ni Andrea rito kaya naman pabiro siyang sinabihan ni Vice Ganda na maganda pero boba.
“Ay ginger, garlic pala ‘to!” pagtatama ng aktres.
“Maganda pero boba,” pabirong pahayag ni Vice Ganda.
Tila hindi naman na-offend rito si Andrea Brillantes dahil napahalakhak pa ito sa ipinahayag ni Vice Ganda.
Matatandaan na naunang nag-guest si Andrea Brillantes sa YouTube vlog ni Vice Ganda kung saan isiniwalat niya ang kanyang moving on journeys.
Dito rin sa vlog ni Vice Ganda, isiniwalat ni Andrea Brillantes ang kahindik-hindik na sekreto ng kanyang ex na hindi umano naglalaba ng mga damit sa loob ng isang taon.
Bagama't hindi naman itop pinangalanan ng aktres marami ang naghihinala na ito'y walang iba kundi si Ricci Rivero.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!