Vice Ganda Pinagalitan Ng Husto Si Awra Briguela

Biyernes, Hulyo 7, 2023

/ by Lovely


 Sa kabila ng pananahimik ni Vice Ganda kasunod ng pagkakasangkot ng kanyang anak-anakan na si Awra Briguela sa isang rambulan sa Bolthole Bar ng Poblacion, Makati City noong June 29, 2023, saludo pa rin sa kanya ang veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin.


Ayon kay Cristy Fermin, labis umano ang pagka dismaya ni Vice Ganda sa ginawa ni Awra Briguela subalit, pinasundo pa umano niya ito sa personal assistant ni Ion Perez.


Binigyan din umano ni Vice Ganda ng abogado si Awra at pera para agad itong makalabas sa kulungan.


Sa kabila naman nito, labis naman na sermon ang inabot ni Awra kay Meme Vice dahil sa ginawa nitong pakikipagrambulan at ang hindi pagrespeto sa mga pulis.


“Nilabhan niya at binanlawan. Hindi niya talaga kinunsinti dahil mali naman talaga si Awra. ‘Yun ang maganda kay Vice, lumugar siya sa tama,” pahayag ni Cristy Fermin.


Bilib din umano si Manay Cristy Fermin kay Vice Ganda dahil hindi nito kinukunsinti ang mga kalokohan ng kanyang anak-anak.


“Kahit ako maging manager ni Awra, hindi tama, hindi tama ‘yung ginawa niya lalo na ‘yung kawalan niya ng respeto sa mga alagad ng batas. 


"Hindi pinapalakpakan ‘yun, diin na diin talaga siya dun. Lalo na nang magsalita na ang mga video clip, wala siyang pupuwedeng itanggi. Kitang-kita na siya talaga ang basagulero doon sa gabing ‘yun, tahimik ang lahat, siya lang talaga ang magulo.”


Matatandaan na naging usap-usapan sa social media ang nangyaring rambulan kung saan sangkot ang Kapamilya actor na si Awra Briguela dahil sa magkaibang pahayag ng dalawang kampo.


Ayon sa complainant, si Awra ang naunang manakit sa kanya dahil hindi niya sinunod ang kahilingan nito na maghubad siya ng pantalon.


Agad naman itong pinabulaanan ng mga kaibigan ni Awra at sinabing ang mga lalaki at ang complainant ang naunang mambastos sa kanila at ipinagtanggol lamang sila ng kaibigan.


Subalit, ng lumabas ang mga video clips at CCTV footages, lalong nadiin si Awra dahil marami ang nakakapagpatunay na walang hipuan na naganap.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo