Vice Ganda Palihim Na Tinulungan Si Awra Briguela

Miyerkules, Hulyo 5, 2023

/ by Lovely


 Bagama't hindi nakikialam sa imbestigasyon ang Unkabogable Star, nanay-nanayan at manager ni Awra Briguela na si Vice Ganda sa isyung kinasasangkutan nito ngayon, hindi naman umano ito basta na lamang pinabayaan ng It's Showtime host.


Matatandaan na noong nakaraang June 29, 2023, nasangkot sa isang rambulan ang Kapamilya actor na si Awra Briguela. Nakulong din ito ng ilang araw bago makapagpyansa noong sabado ng gabi, July 1, 2023.


Napansin naman ng ilang mga netizens ang pananahimik ni Vice Ganda at tila lumalabas pa umanong nawalan ito ng pakialam kay Awra Briguela.


Nahati naman ang paniniwala ng publiko kasunod ng magkaibang pahayag na binitiwan ng magkabilang panig.


Ayon sa complainant at mga bouncer si Awra talaga ang nagpasimuno ng gulo dahil nagalit umano ito nang hindi hinubad ng lalaki ang pantalon nito.


Subalit, ayon naman sa mga kaibigan ni Awra na pinagtanggol laman sila nito dahil binastos sila ng grupo ng complainant.


Samantala, ayon sa isang mapagkakatiwalaang source, palihim lamang umanong tumulong si Vice Ganda kay Awra. Ito umano ang nagbigay sa kanya ng abogado at pera para makapagpyansa.


“Tahimik lang si Meme Vice. Hindi siya makikialam sa problemang ‘yan ni Awra, para matuto rin. Pero hindi naman pinabayaan ni Meme Vice si Awra. Siya ang nagpadala ng lawyer. Siya rin ang nagpadala ng perang pangpiyansa,” pagsisiwalat ng source.


Ayon pa sa nasabing source, tumangging magsalita ni Vice Ganda sa isyu upang kahit papaano ay matuto naman si Awra na umiwas na sa mga gimik sa susunod.


“Pero mabait naman si Awra. Kailangan lang matuto siya. Dapat bawasan niya ang pagpunta sa mga bar, ang pag-gimmick. Alalahanin niya na artista siya,” dagdag pa nito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo