Vice Ganda, Nag4lit Sa Ginawa Ni Awra Briguela Patuloy Ang Pananahimik

Linggo, Hulyo 2, 2023

/ by Lovely


 Marami sa mga netizens ngayon ang napapatanong kung nasaan na ang nanay-nanayan ni Awra Briguela sa showbiz na si Vice Ganda.


Marami pa rin ang nag-aabang sa kung ano ang masasabi at saloobin ni Vice Ganda sa isyung kinakaharap ngayon ni Awra lalo na't kung pagbabasehan ang mga kuha mula sa CCTV ay talagang nadidiin ito.


Matatandaan na nasangkot sa isang rambulan si Awra Briguela noong hwebes June 29, sa isang bar sa Poblacion, Makati.


Dahil sa kalasingan at hindi na naawat si Awra maging ang mga pulis ay hindi na rin sinasanto nito at pilit pang pagpupumiglas.


Pansamantalang nakalaya naman ngayon si Awra Briguela, o McNeal Briguela sa totoong buhay, sa Makati Custodial Jail noong Sabado ng gabi, July 1 matapos magpiyansa ng P6,000.


Nahaharap ang comedian sa mga kasong physical injuries, alarm and scandal, resisting arrest at disobedience to person in authority dahil sa pagwawala niya.


Samantala, malaking katanungan naman para sa ilang mga netizens kung bakit tila walang pakialam si Vice Ganda na tumatayong manager ngayon ni Awra sa kinasasangkutan niyang isyu.


Dahil sa patuloy na pananahimik ni Vice Ganda, nagkaroon na ng samu't-saring spekulasyon ang mga netizens. May mga nagsasabing naiinis si Vice Ganda sa ipinakitang pag-uugali ni Awra sa bar.


May mga nagtatanggol naman at sinasabing baka palihim lamang na tumutulong si Vice Ganda rito.


“Tahimik si vice ganda sa mga nangyayari kay awra? Akala ko ba anak-anakan? Memeeeeeee.”


“CCTV is the best evidence! Awra aka Macmac seems to be drunk! Still demanding to get her way! This could have been diffused if she was not so feeling Entitled! Manager nga niya na Vice Ganda hindi siya binisita sa Precinto.”


“Meme Vice Ganda ano masasabi mo? Gising ka na ba? Haha.”


“Tbh, I’m really waiting for Vice Ganda’s statement about Awra. Pero, thankful ako na di pa din siya nagsasalita. Mukhang inaalam ni Meme ang mga tunay na nangyare lalo na’t mukhang mali yung info na kumalat sa ating lahat.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo