Vice Ganda, Hindi Sumang-Ayon Sa Mentality ng Isang Rampanalo Contestant

Martes, Hulyo 4, 2023

/ by Lovely


 Agad na umalma ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa naging pahayag ng isang Rampanalo contestant patungkol sa pagiging mahirap.


Hindi napigil ng It's Showtime host na si Vice Ganda ang kanyang sarili at nakapagbigay siya ng gently advice sa isang contestant sa segment nilang 'Rampanalo' nitong lunes, July 3.


Itinama ni Vice Ganda ang naging pahayag ng isang contestant patungkol sa kahirapan.


“Masarap naman po mabuhay bilang mahirap,” pahayag ng contestant.


Agad naman itong itinama ni Vice Ganda at binigyan ng kunting payo.


“Iko-correct lang natin 'yan ha. Kasi hindi tama 'yung sinasabi nating okay naman maging mahirap. Alam mo ang okay lang na nararamdaman ng maraming mahirap, okay kasi mahirap sila pero nagmamahalan silang pamilya, okay 'yon. Mahirap sila pero mabuting tao sila, okay 'yon. Mahirap sila, pero mahal sila ng nanay at tatay nila, okay 'yon. Mahirap sila at nakakapag-aral sila, okay 'yon.”


“Pero kung may pagkakataong maging mayaman, ayaw mo ba 'yon?” pagtatanong pa Vice Ganda.


Agad naman itong sinagot ng contestant at sinabing, gusto naman niyang maging mayaman sakaling mabigyan ng pagkakataon.


“Yon! Kaya 'wag mong sasabihing okay, masarap maging mahirap kasi hindi totoo 'yan. Mali 'yon, mali. Maling mentality ha,” pagpupunto ni Vice Ganda.


“Maling ang mentality na mahalin natin ang pagiging mahirap dahil hindi. Maraming pagkakataon sa buhay natin na hirap na hirap tayo dahil sa kundisyon ng ating pamumuhay. Kaya gagawa ka ng paraan para makatakas doon sa kahirapan na 'yon, sa poverty. 


"Para 'pag nakaanak ka, mapag-aaral mo 'yung anak mo. Magkaroon siya ng magandang kinabukasan. 'Yung asawa mo maging komportable ang buhay. Hindi kayo matatakot kung paano kayo magbabayad ng utang," dagdag pa nito.


“Mindset, mindset, mindset! Mahirap ako ngayon, mabuting tao ako, pero tatakas ako sa kahirapan. Magiging mayaman ako at mabuting tao pa din.”


 “We change the mindset, diba? 'Wag nating niro-romanticize ang poverty,” pagdidiin pa nito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo