Vice Ganda, Hindi Pinansin At Iniwasan Si Jessica Soho Sa Naganap Na GMA Gala!

Biyernes, Hulyo 28, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment sites ang isyung hindi umano nagpansinan sina Vice Ganda at Jessica Soho sa naganap na GMA Gala 2023.


Ayon pa sa mga kumakalat na bulong-bulongan, hindi umano nilapitan ni Vice Ganda si Jessica Soho sa party dahil na rin siguro sa pagtanggi ng huli na maging guest si Vice Ganda sa kanyang programa.


Ayon pa sa mga bulong-bulongan palaging nagkakalapit sina Vice Ganda at Jessica Soho sa party subalit tila iniiwasan umano ng dalawa ang isa't-isa at hindi rin umano sila nagbatian.


"Comedian and host Vice Ganda did not greet nor say "hi" or apologize to award-winning host Jessica Soho even though they are very near at each other during the GMA-7 Grand Ball. Vice Ganda admitted that he was very nervous at that night as everyone will think that he was a gate-crasher from ABS-CBN to GMA-7 event."


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang tila hindi pagkakaunawaan nina Vice Ganda at Jessica Soho noong 2013 matapos magbiro si Vice patungkol sa 'gang rape' kay Jessica Soho.


Sa kabila nito, hindi pa naman kinumpirma nina Vice Ganda at Jessica Soho kung totoong nagkita nga ba sila sa nasabing event.


Matatandaan na naiulat din noon na ilang beses umanong tumawag si Vice Ganda kay Jessica Soho para humingi ng paumanhin subalit hindi umano siya sinasagot nito.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo