Vic Sotto Nagkamali Sa Title Ng Kanilang Show, Sinabing Eat Bulaga

Lunes, Hulyo 3, 2023

/ by Lovely


 Hindi nakaligtas sa mga televiewers ang pagkakamali ni Vic Sotto sa title ng kanilang show sa TV5.


Opisyal na ngang nag-umpisa ang show ng TVJ sa TV5 noong sabado July 1, 2023.


Sa isang segment sa kanilang pilot episodes kinausap ni Vic Sotto ang ilang mga netizens at televiewers na nagviral kasunod ng kanilang pag-alma sa pag-alis ng TVJ sa Eat Bulaga.


Isa na rito ay si Juanito, na nagviral matapos ang kanyang pag-compose ng sariling version ng Eat Bulaga theme song upang ipakita ang kanyang pagkadismaya sa nangyari sa TVJ sa ilalim ng TAPE Inc.


Kinanta pa nito ang kanyang composition mismo sa harap ng audience at kay Vic Sotto. Bukod dito, ilan pang mga manonood ang binigyan ni Bossing ng papremyo at mga surpresa.


Samantala, habang namimigay ng papremyo naisigaw ni Bossing Vic ang pamagat ng dati nilang show na Eat Bulaga.


“Galing sa Eat Bulaga!, PHP5,000, at mga T-shirt!” pahayag ni Vic Sotto.


Nagkaroon naman ng ilang segundong katahimikan bago nakapag react ang iba pang host na sina Paolo Ballesteros, Ryan Agoncillo at Maine Mendoza at itinama ang title ng kanilang show na E.A.T at hindi na umano Eat Bulaga.


Hindi naman napigil nina Wally Bayola at Jose Manalo ang matawa sa tila pagkalito at pagkakamali ni Bossing.


“Saan ba talaga Bossing?!” pagtatanong pa ni Jose.


Samantala, naiintindihan naman ng ilang mga netizens ang pagkakamali ni Vic Sotto dahil sa 44 years ding nasa Eat Bulaga ito. 


Subalit, may ilan din netizens na pinayuhan si Vic Sotto na mag-ingat sa susunod para makaiwas sa charges lalo pa't hawak pa rin umano ng TAPE ang trademark ng 'Eat Bulaga'.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo