Valentine Rosales Humingi Ng Paunmanhin Kay Wilbert Tolentino

Huwebes, Hulyo 13, 2023

/ by Lovely


 Humingi ng paumanhin ang social media personality na si Valentine Rosales kay Wilbert Tolentino matapos ang kanyang negative comment sa ibinahaging cryptic post nito kamakailan.


Matatandaan na sinabihan ni Valentine Rosales si Wilbert Tolentino na isa umanong plastik at backfighter.


“Etong si Wilbert may pa ganyan ganyan pa, derechohin mo na wag ka puro parinig napaka plastik mo dineh, kung matapanga ka pangalanan mo puro ka parinig at screenshot very backfighter ang eksena.”


Napag-alaman umano ni Valentine Rosales na isa si Wilbert Tolentino sa mga tumulong at dumipensa sa kanilang magkakaibigan noong kinaharap nila ang kaso kaugnay sa pagkamatay ng kanilang kaibigan na si Christine Dacera.


Sa isang Facebook post, ibinahagi pa ni Valentine Rosales ang screenshot ng kanyang komento sa cryptic post ni Wilbert Tolentino.


Ayon kay Valentine Rosales, nakausap niya si Wilbert Tolentino at mali umano ang kanyang mga pahayag sa kanyang komento kung saan naging judgemental siya.


Binabawi niya ang kanyang mga pahayag at sinabing mabait itong tao. Nais din daw niya itong makilala ng maayos kung mabibigyan siya ng pagkakataon.


Inamin pa ni Valetine Rosales ang kanyang mga pagkakamali sa pagsasabi ng masasama laban kay Wilbert Tolentino.


Samantala, hindi pa nagbibigay ng reaksyon si Wilbert Tolentino sa public apology ni Valentine Rosales.


 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo