Valentine Rosales, Binawi Ang Paghingi Ng Tawad Kay Matapos Makita Ang CCTV Footage

Linggo, Hulyo 2, 2023

/ by Lovely

Agad na binawi ng social media personality na si Valentine Rosales ang kanyang paghingi ng paumanhin kay Awra Briguela matapos kumalat ang mga video at CCTV footage na kuha sa loob ng bar bago ang pagkakaaresto kay Awra Briguela.


Sa mga kumakalat na video, tila nabigyan ng linaw ang nangyaring rambulan sa Bot Hole Bar, sa Poblacion, Makati noong huwebes. Kabaliktaran ng mga sinabi ng mga kaibigan ni Awra, tila wala namang hipuan na naganap.


Makikita pang tila si Awra talaga ang naging agresibo. Pinatunayan din ng nasabing video ang pahayag ng napakilalang complainant na si Mark.


Kung saan sinabi nitong pilit siyang pinaghuhubad ng pantalon ni Awra. Makikita pa sa nasabing video na ilang beses tinulak-tulak ni Awra ang complainant. Hinabol pa niya ito palabas ng bar.


Sa pagkalat din ng nasabing CCTV footages, agad na binawi ni Valentine Rosales ang kanyang paghingi ng tawad kay Awra Briguela.


“Sabi ko na nga ba tama ako eh! Dapat pala di na ko nag sorry minsan na nga lang tumama binawi pa, mali mali talaga desisyon [ko] sa buhay,” tweet ni Valentine


Dagdag pa niya, “Ilabas ang eksenang may hinipoan at pinag tatanggol! Imbento kayo! Alam ko na yan style na yan ganyan din ginawa ko sa 7/11 wala kayo maloloko parepareho tayong bakla may nag mamalinis lang at tulad ko na tanggap ang ugali kong masama at prolematic atleast totoo di plastic!” 


Matatandaan na humingi ng tawad si Valentine Rosales kasunod ng mga negatibong komento niya sa pagkakakulong nito nang magsalita ang isang kaibigan na sinasabing nabastos ng mga lalaki.


Pahayag pa noon ni Valentine, “First of all, I want to apologize to Awra. I’m really sorry, masyado akong nagsalita nang hindi ko pa alam ‘yung buong story. Dinelete ko ‘yung comment ko and hindi na ako sasawsaw, magbabagong buhay na ako.”


Hiniling pa noon ni Valentine na sana ay makahanap si Awra ng magagaling na abogado para matulungan siya sa kanyang kaso.


“I hope you find the best lawyers to help you na makaalis sa kulungan. Nalaman ko ‘yung reason behind that.”

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo