Muli na namang binanatan ng talent manager at showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis ang TV-host na si Willie Revillame.
Matatandaan na hindi ito ang unang pagkakataon na binanatan ni Lolit Solis si Willie, nauna rito isiniwalat ni Manay Lolit Solis na umano'y laos na si Willie dahil wala nang naghahanap rito sa gitna ng kompetisyon sa mga noontime shows.
Sa kamakailang Instagram post ni Many Lolit Solis, muli na naman niyang binanatan si Willie Revillame at sinabihang wala nang utak ng bagong henerasyon.
Isiniwalat ito ni Lolit Solis matapos ang naging pahayag ni Regine Velasquez kung saan inamin nito na tapos na ang kanyang kasikatan.
"Naiiyak ako pag meron artista na bulag ang mata at bingi sa estado niya sa showbiz Salve. Ang ganda ng sinabi ni Regine Velasquez na hindi na niya panahon ngayon. Ang sarap pag tanggap mo ang tunay mong lugar," unang pahayag ni Lolit Solis.
Kinumpara pa ni Lolit Solis rito si Willie Revillame na tila hindi pa rin umano tanggap ang pagiging laos kahit pa hindi na umano iniisip ng bagong generasyon.
"Dapat malinaw ang mga mata at tenga mo sa kung saan ka dapat lumugar. Pinaka masakit na sa isang artista ang hindi alam kung saan niya ilalagay ang sarili niya after mawala ang kasikatan niya. Isang example si Willie Revillame. Nagdaan na ang araw niya. Hindi na niya panahon ngayon. Wala na siya sa utak ng bagong generation."
Muli ding ipinamukha ni Lolit Solis kay Willie Revillame na wala na talagang naghahanap sa kanya ngayon sa kabila ng hype dahil sa isyu ng TVJ at TAPE Inc.
"Tingnan mo at hindi na siya hinanap ng mag umpugan ang 3 shows sa tanghali. Hindi man lang nabanggit ang pangalan niya. Keber sa kanya ang mga televiewers. Kundi pa nga siya tumatawag sa mga naging kaibigan niya sa press para masulat mga hanash niya wala pang mababalita tungkol sa kanya. Very pathetic."
Muli, pinayuhan ni Lolit Solis na sana ay magretire na lamang ng tahimik si Willie Revillame.
"Samantalang kung nag retire lang siya ng tahimik mas maganda pa. At pag napansin niya na relevant siya uli saka siya bumalik. Mas maganda sana para sa kanya. Pero hindi nga niya matanggap. Mas gusto niya na makigulo kahit hindi naman siya kailangan. Hayan tuloy keber sa kanya ang lahat. Kanya kanya kasing oras at panahon lahat ng bagay."
Paglilinaw pa ni Lolit Solis, "Pag alam mo na wala ka na sa panahon, tumahimik ka muna, huwag ng magpilit mag ingay. Huwag ng makisali pa, mai snob ka lang. Tanggapin ng maluwag sa puso na laos ka na, hindi ka na mainit para sa manunuod. By that magiging magaan ang pagtanggap mo."
"Huwag bulagin ang sarili sa sa isang bagay na wala na sa iyo, iyon kasikatan na tinatamasa mo nuon. Pag wala na, hinto ka. Mag recharge, tutal naman marami ka ng kinita. Huwag ipagpilitan ang isang bagay na wala na sa mga kamay mo. Ilusyon na lang mangyayari sa iyo. Pag laos na, laos na. Hinto na muna, para mas bongga, di ba Salve at Gorgy, mas ok iyon."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!