Sinagot na ng aktor na si Marvin Agustin ang katanungan at palaisipan sa mga netizens kung bakit wala siya sa kasal ng dating ka-love team na si Jolina Magdangal.
Sa isang episode ng Magandang Buhay kung saan naging guest si Marvin Agustin, si Jolina Magdangal mismo ang nagtanong sa kanya kung bakit wala siya sa kasal nito kahit nabigyan naman siya ng invitation.
“Pero mayroon akong tanong. Bakit hindi ka umattend noong wedding, kahit na binigyan kita ng invitation?”
Agad naman itong sinagot ni Marvin Agustin kung saan sinabi niyang umiiwas lamang siya sa isyu at nais ibigay sa newly weds ang moment.
“Parang pakiramdam ko noon, alam ko magiging masaya ako kasi magiging parte ako ng masayang okasyon na ‘yon for you and for Mark,” saad ni Marvin.
“Pero parang gusto kong, alam mo naman showbiz, marami silang perception na, masaya tayo, kilig tayo, ayaw kong i-diminish ‘yong kilig at ‘yong atensiyon sa inyong dalawa ni Mark. Kasi kahit papaano, mapapatingin sila sa akin eh wala naman akong kinalaman doon sa kaligayahan na sine-celebrate that moment,” dagdag pa niya.
Matatandaan na nagkaaminan na noon sina Marvin Agustin at Jolina Magdangal noong sila ay nagka-love team.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!