Tito Sotto Umalma Sa Ginawa Ng Drag Den Contestant Na Pambabast0s Sa Relihiyon ng Katoliko Romano

Huwebes, Hulyo 13, 2023

/ by Lovely


 Hindi naitago ni dating Senate President na si Tito Sotto ang kanyang pagkadismaya matapos mapanood ang uploaded video ng isa sa mga contestant ng Drag Den Philippines.


Makikita sa kumakalat na video ang pag-cosplay ng contestant kay Jesus Christ habang sumasayaw sa remix ng Christian Mass song na 'Ama Namin'.


Agad naman itong umano ng samu't-saring pambabatikos mula sa mga netizens at maging ang dating senate president ay napareact na rin sa kanyang ginawa.


Kilala na noon pa man na isang deboto at believer ng Catholic Faith si Tito Sotto kaya naman isa siya sa mga labis na nadismaya sa ginawa ng Drag Queen na si Pura Luka Vega.


Sa inis ni Tito Sotto, hinamon pa niya ang Drag Queen na gawin din sa ibang relihiyon ang kanyang ginawa sa paniniwala ng mga Katoliko.


“Whatever it is, why don’t you try doing that to another religion?”


Dagdag pa ni Tito Sotto, na hindi basta-basta nakukuha ang respeto kundi kailangan umano itong i-earn.


“You ask for respect yet you won’t respect our religion, our faith, our way of life. The Lord’s Prayer is a model prayer directly taught by Jesus to his disciples and us, his followers.


“Don’t disrespect and blaspheme our religion for likes and attention.”


Sa kabilang banda, nanindigan naman ang Drag Den Philippines contestant na hindi niya buburahin at hindi rin siya hihingi ng paumanhin sa kanyang ginawa dahil wala naman umano siyang nakikitang mali rito.


“I won’t delete it nor will apologize for doing it.”


"To begin with, our mere existence as queer individuals already offends people. Drag is also queer and when I think about it, to me, it’s really just a yassified worship/lipsync of the Lord’s prayer.” 


“There’s a part of me that feels weird to explain my art when I don’t owe anyone an explanation of things. People are free to make interpretations of it. The way I see it, our reactions and perceptions reveal our values which we need to reflect on,” pahayag nito sa ipinadalang mensahe sa Drag Den Philippines.


Dagdag pa niya sa isang interview kamakailan, “My intent was never to put down a particular group, more so it’s really just how the art of drag or queer art is naman talaga.”


Samantala, marami sa mga netizens ang mga nanawagan na dapat pag-aralan muna ng mabuti ng mga kinauukulan kung dapat ba talagang ipasa ang SOGIE Bill sa Senado. Gayung may iba umanong myembro ng society na sumusobra na rin minsan.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo