Nagbigay na ng pahayag ang dating host ng Eat Bulaga na si Tito Sotto sa napapabalitang pagsi-celebrate ng mga bagong host ng Eat Bulaga sa 44 years anniversary ng show.
Ayon kay Tito Sotto, walang karapatan ang mga bagitong host ng show na i-celebrate ang 44 years dahil hindi naman sila kasama sa mga naunang taon nito.
Matatandaan na nauna nang ipinahayag ni Paolo Contis, isa sa mga bagong host ng show, na naghahanda na sila sa darating na 44 years anniversary celebration ng Eat Bulaga sa darating na July 29, 2023.
“Kami orig na may karapatan mag-celebrate. From TAPE people and current hosts, none of them were there 44 years ago,” pahayag ni Tito Sotto.
Iginiit din ni Tito Sotto na sila ang magdidiriwang ng 44 years sa E.A.T dahil sila naman ang legit na mga host at ang pundasyon umano ng Eat Bulaga.
“Ano itatapat nila eh wala naman sila doon in the last 43 years? Feb lang pumasok mga new officers then June ito mga bagitong hosts,” giit pa nito.
Malinaw ding ipinahayag ni Tito Sotto na ang eksaktong anniversary ng E.A.T ay sa July 30. Pero dahil natapat ito sa linggo kaya sa July 29, na lamang nila ito isi-celebrate.
Samantala, muli namang pinasaringan ni Joey De Leon ang mga pumalit sa kanilang mga host ng Eat Bulaga. Iginiit ni Joey na sila ang legit at ang kabaliktaran nito ang dapat na mangyari sa mga peke.
“Kami ang legit. ‘Yung mga, alam n’yo na, peke… baligtarin ang legit… tigel na kayo please.”
Agad naman itong umani ng samu't-saring komento sa mga netizens. Kapansin-pansin na mas marami ang hindi na nagugustuhan ang mga banat ni Joey De Leon.
"anyare nung nag uumpisa kayo sa tv5 recently panay ngawa mo/nyo sa mga interview hahaha..pero infairness consistent always present kayo ngayong tatlo hahaha"
"Tanda na nya. Laging may patama na feeling lagi sya ang tama. Pa witty ang self-declared henyo."
"Sayang nacut yung sinabi ni JDL na “Para kay Jenny yan” because his tirades are about the Fake Bulaga stealing Jenny Ferre’s original ideas."
"you are the victim of your own fantasies… no one attacking but you keep defending your point. Sooner rather than later all your followers will remove their energy and you will be left with nothing…"
Kami ang legit yung mga peke baligtarin ang legit.. tigel na kayo... Iba ka talaga henyo master 😂 #LegitDabarkads #EATTV5 #MaineMendoza pic.twitter.com/B8X2Ue3KF6
— OG EBDabarkads (@OGDabarkads) July 10, 2023
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!