Muling naglabas ng mainit na pahayag si Tito Sotto laban sa TAPE Inc. dahil sa patuloy nilang paggamit sa titulong Eat Bulaga sa kanilang noontime show sa kabila umano ng kaalaman na hindi sila ang totoong nagmamay-ari rito.
Ayon kay Tito Sotto, lumalabas na niloloko ng TAPE Inc. ang mga tao dahil ipinagpipilitan nilang sila ang ang nagmamay-ari sa 'Eat Bulaga'.
Iginiit pa ni Tito Sotto na ang copyright ng 'Eat Bulaga' ang kanilang ipinaglalaban dahil ang trademark na pinanghahawakan ngayon ng TAPE Inc. ay maaaring makansela naman.
Maari naman umanong ipagpatuloy ng TAPE Inc. ang kanilang show subalit dapat ay palitan nila ang titulo nito at huwag gamitin ang titulong si Joey De Leon ang nakaisip.
“They’re deceiving the people by saying na sila ‘yung Eat Bulaga! “Puwede naman nila ituloy ang programa kung gusto nila, pero palitan nila yung pangalan nila. ‘Yun lang naman ang punto namin… Pinipilit ninyo sa tao, sa publiko, na kayo ang Eat Bulaga, e hindi naman kayo.”
Muli ring iginiit ni Tito Sotto na hindi nararapat na gamitin ng TAPE Inc. ang mga dating footage ng Eat Bulaga kung saan sila ang naroroon.
Samantala, suportado naman ng ilang mga netizens ang pahayag ni Tito Sotto.
"Masakit talaga sa kalooban na ang nilikha mo at naging simbolo ng matatag na samahan at pagmamahalan na bumilang ng maraming taon Eat Bulaga ng TVJ , ay angkinin ng makapangyarihang pamilya. TVJ God is on your side, truth will always prevail."
"Umiyak na Naman si sir Joey sa loob, ikaw ba Naman aagawin sayo lahat ng pinaghirapan niyo sa loob ng apat na dekada? kahit Sino naman maluluha talaga."
"Paano mag cecelebrate ng 44 years yung FAKE BULAGA , halos wala silang maipakaita na mga lumang picture, videos, episode kung paano sila nag simula . Solid TVJ."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!