Naglabas na ng official statement ang TAPE Inc. sa pamamagitan ng kanilang legal counsel na si Atty. Maggie Garduque kasunod ng pagdedemanda sa kanila ng TVJ dahil sa patuloy na paggamit nila sa pamagat na Eat Bulaga.
Nauna nang naiulat na kinasuhan ng TVJ ang TAPE Inc. at GMA7 ng 'Copyright Infringement' dahil sa patuloy pa rin umanong paggamit ng mga ito sa pamagat ng Eat Bulaga na si Joey De Leon naman umano ang unang nakaisip.
Samantala, nagbigay na ng reaksyon ang TAPE Inc. kung saan muli nilang iginiit na sila ang nagmamay-ari ng Eat Bulaga dahil sa kanila nakarehistro ang trademark nito.
“TAPE Inc. has the registration of the tradename Eat Bulaga so they cannot file infringement against the registered owner of the trademark.
“Their petition for cancellation of trademark of Eat Bulaga is still pending before the IPO and until such time that said petition is granted, the trademark Eat Bulaga and EB will be owned by TAPE Inc.”
Dagdag pa ng legal counsel ng TAPE Inc. “It is not a copyright infringement. Eat Bulaga name, the design of the name and the logo is a ‘trademark’ and not subject of copyright.”
Kung pagbabasehan ang inalabas na statement na ito ng TAPE Inc. tila iginigiit nila na wala talaga silang nilabag na copyright issue at handa rin silang lumaban para mapanatili lamang sa kanila ang Eat Bulaga.
Samantala, nauna nang nagbigay ng pahayag ang GMA7 kung saan ipinahayag nila na naghahanda na rin ang kanilang legal team sa reklamong isinampa sa kanila ng TVJ.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!