TAPE Inc. Masaya Sa Nakukuhang Rating Ng Eat Bulaga Sa Gitna Ng Kontrobersiya

Linggo, Hulyo 9, 2023

/ by Lovely


 Masaya ang mga executives ng Television and Production Exponents Inc. (TAPE Inc.) na patuloy pa ring tinatangkilik ng ilang mga Filipino ang kanilang noontime show na Eat Bulaga sa kabila ng mga natatanggap na pambabatikos ng kanilang mga panibagong nakuhang mga hosts na siyang pumalit sa TVJ at iba pang legit dabarkads.


Ayon sa legal council ng TAPE Inc. na si Atty. Maggie Garduque sa naganap na presscon para sa long term contract signing sa pagitan ng TAPE Inc. at mga panibagong Eat Bulaga hosts na sina Paolo Contis at dating Manila Mayor na si Isko Moreno. Ginagawan na umano nila ng paraan ang dating reklamo ng mga naunang hosts na wala sila pinirmahang kontrata sa TAPE Inc. kahit pa kasama naman sila sa Eat Bulaga show.


Ayon pa kay Atty. Maggie Garduque, ginagawa na nila ngayon ang ilag mga hakbang para i-professionalize ang kanilang mga empleyado.


“With the directive of our President and CEO Romy Jalosjos, we are starting to professionalize everything also like doing contract-signing with employees and talents as this does not only benefit the company but more so the talents and employees who will be secured of the terms and conditions of their engagements.”


Ipinahayag din ng abogado na labis na natuwa ang mga Jalosjos sa nakukuha ngayong rating ng kanilang programa sa kabila ng mga pambabatikos at kontrobersiyang kinakasangkutan ng kanilang show at maging ng mga panibagong hosts ng show.


Bukod kina Paolo Contis at Isko Moreno, pipirma rin ng kontrata ang iba pang mga bagong Eat Bulaga hosts ngayon.


“Masaya naman si EB President and CEO Romy Jalosjos sa EB hosts at sa development sa show.” 


“Masaya ang show and the rating would speak for itself… This is a testament that people like the show. Thus, apt for the execution of long-term contract with the hosts, simula kina Yorme at Paolo, at sa susunod na linggo, ang iba pang hosts,” dagdag pa ni Atty.


Samantala, nangyari ang contract signing sa gitna ng pagsisiwalat ni Manay Cristy Fermin na titigil na sa darating na July 29 ang show ng TAPE Inc. na Eat Bulaga sa GMA7 dahil sa pagkalugi.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo