TAPE Inc. Magsasampa Na Rin Ng Kaso Sa Mga Former Eat Bulaga Hosts

Miyerkules, Hulyo 19, 2023

/ by Lovely


Usap-usapan ngayon ng ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment sites ang isyung magsasampa ng kaso ang Television and Production Exponents Inc. (TAPE) laban sa former Eat Bulaga hosts, tila counter ito ng TAPE Inc. dahil nauna na silang kinasuhan ng TVJ.


Ayon sa kumakalat na mga ulat, naghahanda ngayon ang TAPE Inc. na magsampa ng kaso laban sa dalawang dating hosts ng Eat Bulaga.


Subalit, hindi pa umano sigurado kung anong kaso ang isasampa at kung sino ang sasampahan ng kaso sa mga dating hosts ng show.


Matatandaan na sinampahan ng TVJ ang TAPE Inc., ng copyright infringement dahil sa patuloy na pagpapalabas nila ng Eat Bulaga na sinasabing pag-aari ni Joey De Leon dahil siya umano ang nakapag-isip nito.


Sa kabilang banda, naninindigan naman ang TAPE Inc. na wala silang ginawang mali dahil nasa kanila ang trademark ng Eat Bulaga.


Patuloy pa rin nilang ipinagdidiinan na walang karapatan ang TVJ na angkinin ang anumang nagawa nila dahil mga empleyado lamang sila at ito umano ang trabaho nila.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo