Suzette Doctolero Muling Binanatan Ang TVJ, Naglabas Ng Mga Resibo Na Hindi Sila Ang Boss

Biyernes, Hulyo 14, 2023

/ by Lovely


 Muli na namang bumanat ang GMA Head Writer na si Suzette Doctolero sa TVJ matapos ang pagsasampa nila ng kaso laban sa TAPE Inc. at sa GMA7.


Pinagsabihan din niya si Tito Sotto na itigil na ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon tungkol sa TAPE Inc. Ito'y matapos isiwalat ni Tito Sotto na noong February 2023 lamang dumating ang mga Jalosjos at iba pang officials nito.


Matatandaan na labis ang pagsalungat ni Tito Sotto sa napapabalitang pagsi-celebrate ng Eat Bulaga ng 44 years kahit pa bago na ang lahat ng hosts sa show.


“Ano itatapat nila eh wala naman sila doon in the last 43 years? Feb lang pumasok mga new officers then June ito mga bagitong hosts,” pahayag ni Tito Sotto noon.


Gayunpaman, naniniwala ang ilang defenders ng TAPE na walang access si Tito Sotto sa mga internal issues na nangyayari sa production company. Wala rin umanong karapatan na magdesisyon sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon na makialam sa mga ito dahil pawang mga empleyado lamang sila.


Samantala sa kamakailang tweet ni Suzette Doctolero, nagbahagi siya ng screencap na nagpapakita ng board meeting ng TAPE Inc. noong 2019.


Kung saan makikita sa nasabing photo na sina Jon, Bullet, at Soraya Jalosjos ay bahagi na ng production company noong mga panahong iyon.


“Bawal magsinungaling now kasi may mga resibo,” saad ni Suzette.


Matatandaan na hindi ito ang unang pagkakataon na  naglabas ng pahayag si Suzette Doctolero laban sa TVJ.


Samantala, narito naman ang ilang mga komento ng mga netizens sa nasabing post.


"Eat Bulaga is may be TVJ & Mr T morally but legally its own by TAPE Inc., di nga bothered ang GMA. Only if these people understand basic law in infringement, trademark & ownership, corporation and incorporation."


"Hahahaha.. e di wow... Nasa Korte na yan... Dun kayo magpahayag Ng saloobin Po ninyo... Wag Dito... "


"Paano sila makikipag meeting di nga sila kasama sa Board eh. Kaya nga po naisahan ang TVJ dahil they don't want them to be in the  Board. Pero kung nandyan sila. Malamang po may mga nagbago!"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo