SitCom Ni John Lloyd Cruz Sa GMA7 Natigi Na!

Lunes, Hulyo 17, 2023

/ by Lovely

Kinumpirma na ng GMA7 at Crown Artist Management na hanggang sa August 6, 2023 na lamang ang sit-com ni John Lloyd Cruz sa GMA7.


Sa pamamagitan ng official statement ng Crown Artist Management at GMA Network, isiniwalat na tuluyan nang magtatapos ang kauna-unahang sit-com ni John Lloyd sa GMA7. Kung saan itinatampok ang iba't-ibang mga leading lady para sa aktor.


Ang Crown Artist Management ay talent agency na may hawak sa career ng premyadong aktor, na co-managed ng engaged couple na sina Maja Salvador at Rambo Nunez.


"Kapuso high-rating weekend sitcom 'Happy Together' will officially conclude at the end of this season.


"GMA Network and Crown Artist Management Inc. will still work on possible future collaborations, especially with the award-winning actor and Box Office King John Lloyd Cruz.


"For the meantime, 'Happy Together' will continue to bring laughter and good vibes to viewers until August 6, every Sunday at 6:50 p.m. on GMA-7."


Samantala, hindi naman isiniwalat sa nasabing statement ang totoong dahilan kung bakit ititigil na nila ang nasabing sitcom sa kabila ng pagiging high rating nito.


Matatandaan na unang ipinalabas ang nasabing sitcom ni John Lloyd noong Decembe 26, 2021.


Sa ngayon ay hindi pa tiyak kung ano ang magiging susunod na proyekto ni John Lloyd Cruz sa GMA7 sa pagtatapos ng kanyang sit-com.


Samantala may mga usap-usapan ngayon na tiyak sa TV5 nanaman ang bagsak nina John Lloyd Cruz matapos ipatigil sa GMA7 ang kanilang sitcom.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo