Sen. Robin Padilla Viral at Binatikos Sa Hand Gesture Sa Pag-Awit Ng Lupang Hinirang!

Huwebes, Hulyo 27, 2023

/ by Lovely


 Naging mainit na usapin sa social media ang umano'y hand gesture ng senador na si Sen. Robin Padilla habang kinakanta ang Lupang Hinirang noong 2nd State of The Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos noong lunes, June 24, 2023.


Marami ang nakapansin sa ginawang hand gesture ni Robin Padilla habang kinakanta ang Lupang Hinirang. Hindi kasi katulad ng mga nakasanayang hand gesture ng mga tao habang kinakanta ang pambansang awit na nakabukas ang kamay habang nakapatong sa dibdib.


Makikitang naiiba umano ang hand gesture ni Robin na ayon sa mga netizens nakamiddle finger.


Agad naman itong inalmahan ni Robin Padilla kung saan ipinahayag niya kung ano ang ibig sabihin ng kanyang hand gesture.


Ayon kay Sen. Robin Padilla, ang ginawa niyang hand gesture ng ay tinatawag na "Kalima La Ilaha Ilalah" na nagpapakita umano ng pananampalataya ng mga Muslim.


Palagi rin umano niyang ginagawa ang nasabing hand gesture sa tuwing kinakanta ang Pambansang Awit.


Paninindigan pa ni Sen. Robin Padilla, mas pipiliin niyang magresign sa kanyang katungkulan sa politika kaysa sa may masabi ang kanyang mga kasamahang Muslim.


“I always do the Kalima La ilaha ilalah with my hand here. Why can’t you do that? I would rather resign than [have] somebody telling me I cannot [practice] my faith,” pahayag ng Senador.


Samantala, ipinagtanggol naman si Sen. Robin Padilla ng iba pang mga Muslim kung saan tinatawag nilang mga mangmang ang mga taong bumabatikos kay Sen. Robin Padilla.


"Ang kamangmangan at kawalan ng respeto sa paniniwala ng kapwa ang kadalasang dahilan bakit may mga taong ang tanging layunin ay manggulo at manira. 


"Hindi muna ako magsasalita ng marami dahil ayokong umusal ng mga katagang mula sa galit na damdamin, but I'm sharing this page na may Malacanang pa naman sa title pero walang ginawa sa mga posts kundi sirain si Pangulong Bongbong Marcos  at mga kapanalig nya. At si Senator Robin Padilla  at ang kanyang pagiging Muslim ang kanilang huling biktima.


"Below the belt ang post at mga comment lalo na ang sinabing "Muslim kasi yan kaya walang alam!" Hindi kami mananahimik"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo