Tila biglang natauhan si Sen. Raffy Tulfo sa mga nauna niyang pahayag patungkol sa kinasasangkutang isyu ng Kapamilya actor na si Awra Briguela.
Matatandaan na pinatulan at nakasagutan pa ni Sen. Raffy Tulfo ang Chief of Police ng Makati City, matapos ang naging pahayag nito na naging agresibo si Awra sa bar dahil isa itong bading.
Samantala, matapos kumalat ang mga CCTV footages na lalong nagpapadiin kay Awra at nagsilbing ebidensya laban rito ay nagbago naman ang pahayag ni Sen. Raffy Tulfo.
Ayon kay Sen. Raffy Tulfo, sumusubra na umano itong si Awra sa pagiging mayabang at bastos. Kung saan nagawa na nga niyang mantrip ng lalaki sa bar.
Hindi rin nagustuhan ng Senador nang mapag-alaman na ang pinagmulan pala ng gulo sa bar ay ang pagpapahubad ni Awra sa pantalon ng isang lalaki kapalit ng kanilang picture together.
“Nakita natin na talagang si Awra, bastos dito. Sumobra na siya sa kanyang kalasingan kaya naging bastos na siya,” saad ni Sen. Raffy Tulfo.
“Kumbaga feeling entitled na siya. Hindi niya dapat ginawa ‘yon porke’t siya’y vlogger, celebrity… meron na siyang karapatan na mambastos? Heck no!” dagdag pa nito.
Ipinahayag pa ni Sen. Raffy Tulfo na sana'y magsilbing aral ang nangyari ngayon kay Awra sa lahat ng mga kabataan. Naniniwala din umano si Sen. Raffy Tulfo na maging magandang halimbawa sa publiko ang mga celebrities dahil nasa kanila ang attention ng karamihan, partikular na ang mga kabataan.
“Walang puwang sa ating lipunan ang maging mayabang ang sinumang celebrity. Kahit sino pa man dapat umayos-ayos ka ng ‘yong pag-uugali,” babala ni Sen. Raffy Tulfo.
Muli ding nanawagan ang senador na sana ay respetuhin ng lahat ng kapulisan ang mga myembro ng LGBTQ+.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!