Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment sites ang mga videos na ibinahagi ni Sabrina M. patungkol sa isang traydor na kaibigan.
Maririnig sa video ang pahayag ng dating sexy star, “Kadiri kang maging kaibigan, sis. Naninira kapag nakakatampuhan. Real talk… tamaan sapul lang naman.”
Sa audio maririnig naman ang, “Real talk: Balita ko sinisiraan mo daw ako? Natatawa nga ako e. Gano’n din kasi ginagawa mo sa kanila kapag kinakausap mo ako.”
Agad naman itong umani ng samu't-saring reaction mula sa mga netizens. Ayon sa mga ito ang ibinahaging video ni Sabrina ay halatang para kay Katrina Paula na nauna nang nagsiwalat na hindi totoo ang relasyong sinasabi ni Sabrina M.
“Walang relasyon na naganap sa kanila. Baka nagkatikiman sila, pero ‘yung relasyon, hindi ko alam kung saan nanggaling,” ang sabi ni Katrina.
Nagpasalamat naman sa kanya si Claudine Barretto at ipinahayag pang nakakita siya ng new found sister/friend sa katauhan ni Katrina.
Samantala, sa isang panayam sinabi ni Katrina Paula na friendship over na sila ni Sabrina M.
“Siguro ito yung time na FO (friendship over) na kami kasi nagsalita ako. Pero kawawa naman si Rico Yan. Paano niya ipagtatanggol ang sarili niya, e, wala na siya.
“Uulitin ko lang po, hindi ako nakikisawsaw dito sa isyu na ito. Ako yung totoo lang naman ang akin. Yung totoo lang naman yung sa akin na sasabihin ko. Walang nag-utos. Walang nagsabi.”
Ang mensahe naman niya kay Sabrina M, “Sis, kung dito tayo masisira, wala akong magagawa. Basta ang sa akin, sinabi ko lang yung totoo.
“Kung nagkaroon kayo ng one-night stand, baka one-night stand. Pero yung relasyon na two and a half years, alam mo sa sarili mo na noon mo pa ako kaibigan. Noon pa. Hindi ko alam kung paano mo itinago sa akin yung two and a half years na yon. Wala talagang ganoon,” pagbabahagi ni Katrina.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!