Tila kumpirmado na ang pagsasampa ng kaso ng dating sexy star na si Sabrina M. laban sa mga naninira at hindi umano naniniwalang nagkarelasyon sila noon ni Rico Yan.
Sa kamakailang Facebook post ni Sabrina M. ibinagi niya ang larawan kasama ng kanyang apat na abogado na tila ba ay may naganap na meeting sa pagitan nila.
Matatandaan na nauna nang isiniwalat ni Ogie Diaz na nakarating umano sa kanya na magsasampa ng kaso si Sabrina M. sa kanila nina Cristy Fermin, Claudine Barretto at Katrina Paula.
Ito'y sa kadahilanang pinapabulaanan nila ang sinasabi ni Sabrina M. na secret relationship nila ni Rico Yan.
Samantala, sa kamakailang Facebook post ni Sabrina, tila kinukumpirma niyang nagbabalak siyang magsampa ng kaso.
“Tapos naba kayo? Kami Naman! Sumawsaw ka para Kasama ka. 3 araw na ultimatum… 3 iniharap ko na abogado. Ngayon 4 na sila, baka 4 na kaso or 4 ang may kaso?” saad ni Sabrina.
Matatandaan na naunang nagbigay ng tatlong araw na palugit ang legal counsel ni Claudine Barretto na si Atty. Ferdinand Topacio kay Sabrina M. para ipahayag ang kanyang public apology sa panggagamit sa pangalan ni Rico Yan para ipromote ang kanyang movie.
Subalit, naninindigan si Sabrina M. na walang public apology na magaganap at handa siyang harapin ang demanda ni Claudine Barretto o ninuman.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!