Tila nagbigay na ng reaksyon ang dating sexy star na si Sabrina M sa mga natatanggap niyang pambabatikos mula sa mga fans nina Claudine Barretto at Rico Yan matapos pabulaanan ni Claudine at dati niyang kaibigan na si Katrina Paula ang sinasabi niyang relasyon nila ni Rico Yan.
Bago pa man lumabas ang pahayag na ito nina Claudine at Katrina, nauna nang nakakatanggap ng pagdududa mula sa ilang mga showbiz reporter at showbiz columnists ang pagsisiwalat ni Sabrina M.
Marami rin ang nagsasabing ginagawa lamang ito ni Sabrina upang makakuha ng attention lalo pa't may pinopromote itong pelikula.
Samantala, sa gitna ng kinakaharap na kontrobersiya ngayon ni Sabrina M, nagbahagi siya ng isang video na tumatalakay sa mga taong sinasaktan ng ibang tao.
Ayon sa mensahe ng video, hindi dapat naghihiganti sa kapwa kahit pa ilang beses na umanong sinasaktan. Bagkus dapat ay ipapasa-diyos na lamang ang lahat.
“Be humble even if people hurt you. Surrender the pain to God, cry out everything to him, receive his comfort, and let Him heal your wounded soul. Choose to forgive and let go of the grudges you are carrying.”
Matatandaan na inalmahan ni Claudine Barretto ang naging pahayag ni Sabrina M na siya umano ang kasalukuyang nobya noon ni Rico bago ito mamaalam.
Subalit, galit na galit ngayon si Claudine kay Sabrina at nagbabanta pang magdemanda dahil sa pandadawit umano nito sa pangalan ni Rico na matagal nang namaalam.
Maging ang kaibigan noon ni Sabrina M na si Katrina Paula ay pinasinungalingan din ang kanyang pahayag na nagkarelasyon sila ni Rico.
Mas kapani-paniwala pa umano na nagkatikiman lamang ang dalawa.
Narito ang naging pahayag noon ni Sabrina M.
“About nung kay Rico Yan, oo bata pa kami nyan, ang image niya kasi is wholesome eh. Ako nagpapas3xy ako nuon sa pelikula. So kung nagkaissue kaming dalawa, maraming masasabi sa akin. So better kung ano man yung nagkaroon kami ng relasyon, itinago na lang namin yun.”
“Napakabait ni Rico Yan. After Claudine, naging kami ni Rico Yan. Matagal kaming nagkarelasyon. Taon. Noong nag-uumpisa na yung tsismis sa akin, dinudurog na agad ako. Rico Yan yan eh. Bakit siya pumatol sa isang sultry star. Bakit siya pumatol sa isang hubadera,” pagbabahagi pa ni Sabrina.
Dagdag pa niya, “Pero bilib ako kay Rico dahil hindi siya mapanghusga. Pinagtatanggol pa niya sa ibang tao. Sinasabi niya kilala ko si Sabrina M, kaya huwag ninyo siyang i-judge.”
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!