Sabrina M. Magdedemanda Laban Kina Cristy Fermin At Claudine Barretto

Huwebes, Hulyo 20, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa social media ang mga isiniwalat ng showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz ang balak ni Sabrina M.


Ayon kay Ogie Diaz nagbabalak ngayon si Sabrina M, kasama ng kanyang mga abogado na magsampa ng kaso kina Claudine Barretto, Katrina Paula at Cristy Fermin.


Kasunod ito sa mga naging pahayag ng tatlo kung saan pinasinungalingan ng mga ito ang sinasabi ni Sabrina M. na 'secret relationship' nila noon ni Rico Yan.


“Magdedemanda daw si Sabrina M. Nakipagkita na siya sa tatlong lawyers niya. Magdedemanda raw si Sabrina ng kung sino ‘yung mga nanira daw sa kanya doon kay Rico Yan. Hindi nga siya nag-public apology. Wala raw siyang dapat i-apologize,” chika ni Ogie Diaz.


“Pati si Katrina Paula, maging si Claudine. ‘Yun din ang narinig ko, si Claudine, pati si Ate Cristy Fermin,” dagdag pa nito.


Hindi naman isiniwalat ni Ogie Diaz kung kabilang ba siya sa kakasuhan ni Sabrina M.


Matatandaan na kamakailan lamang ay isiniwalat ni Sabrina M. ang umano'y relasyon nila noon ni Rico Yan na umabot pa ng ilang taon.


Siya rin daw ang naging nobya ni Rico matapos ang hiwalayan nila ni Claudine Barretto. Sa katunayan, siya umano ang nobya ni Rico bago ito pumanaw.


Subalit, pinasinungalingan ito nina Claudine Barretto, na sinasabing hindi niya kilala si Sabrina M. Maging ang datong kaibigan ni Sabrina na si Katrina Paula ay hindi rin naniniwalang nagkaroon ng relasyon noon ang dalawa at baka 'nagkatikiman' lamang ang mga ito.


Ipinunto naman ni Manay Cristy Fermin na hindi niya nakita sa lamay ni Rico Yan si Sabrina M. kaya imposible umano ang sinasabi nito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo