Sabrina M, Inamin Na Nagkarelasyon Sila Ni Rico Yan After Claudine Barretto

Biyernes, Hulyo 7, 2023

/ by Lovely


 Sa kauna-unahang pagkakataon, inamin ng 90's sexy actress na si Sabrina M. ang naging relasyon nila ng dating wholesome actor na si Rico Yan.


Sa press conference ng pelikulang 'Manang' kung saan isa siya sa mga cast ay isiniwalat niya ang naging lihim na relasyon nila ni Rico Yan.


Nangyari umano ito nang maghiwalay na sina Claudine Barretto at Rico Yan. Kung saan tumagal pa sa isang taon ang kanilang relasyon.


“About nung kay Rico Yan, oo bata pa kami nyan, ang image niya kasi is wholesome eh. Ako nagpapas3xy ako nuon sa pelikula. So kung nagkaissue kaming dalawa, maraming masasabi sa akin. So better kung ano man yung nagkaroon kami ng relasyon, itinago na lang namin yun,” pagsisiwalat ni Sabrina M.


Pinabulaanan naman niya ang isyu na sinugod siya noon ni Claudine Barretto dahil kay Rico Yan. Ayon kay Sabrina, hindi naman siya inaway noon ni Claudine sa kabila ng kaalamang sila na ni Rico Yan.


“Napakabait ni Rico Yan. After Claudine, naging kami ni Rico Yan. Matagal kaming nagkarelasyon. Taon. Noong nag-uumpisa na yung tsismis sa akin, dinudurog na agad ako. Rico Yan yan eh. Bakit siya pumatol sa isang sultry star. Bakit siya pumatol sa isang hubadera,” pagbabahagi pa ni Sabrina.


Dagdag pa niya, “Pero bilib ako kay Rico dahil hindi siya mapanghusga. Pinagtatanggol pa niya sa ibang tao. Sinasabi niya kilala ko si Sabrina M, kaya huwag ninyo siyang i-judge.”


Isiniwalat din ni Sabrina na siya ang  girlfriend ni Rico Yan bago ito pumanaw at hanggang ngayon umano ay binibisita pa rin niya ang puntod ni Rico Yan kapag may libreng oras siya.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo