Pinabulaanan ng dating sexy star na si Sabrina M. na isa sa mga kakasuhan niya ay ang aktres na si Claudine Barretto.
Nakarating din umano kay Sabrina M. ang naging panawagan ng ina ni Rico Yan na si Sita Yan, na itigil na ang pandadamay sa pangalan ng yumaong actor dahil matagal na umano itong nanahimik.
"I respect that po, malaki po ang respeto ko sa pamilya ni Rico," pahayag ni Sabrina M. sa isang panayam kung saan naitanong sa kanya kung nakarating ba sa kanya ang panawagan ng ina ni Rico Yan.
Pinabulaanan din ni Sabrina M. ang mga haka-hakang sasampahan niya ng kaso si Claudine Barretto. Nagtataka rin umano si Sabrina kung saan nanggaling ang balitang ito.
Pagpupunto pa ni Sabrina, wala siyang grounds o dahilan kung bakit dapat niyang kakasuhan si Claudine dahil wala naman umano itong ginawa sa kanya.
Hindi rin umano naglabas ng anumang statement si Claudine na ikakasira niya.
Hiling naman ni Sabrina M. na huwag nang palakihin pa ang isyu sa pagitan nila ni Claudine at lalong-lalo na ang isyu nila noon ng yumaong aktor dahil matagal na itong nangyari.
Isiniwalat din ni Sabrina kung paano siya tintulungan ng kanyang apat na abogado bilang PDL. Ayon pa kay Sabrina, nakakaranas siya ngayon ng diskriminasyon dahil sa kanyang pagkakakulong noon.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!