Handang-handa na ang actress na si Sabrina M. sa napipintong legal battle nila ng aktres na si Claudine Barretto.
Sa kamakailang Facebook post ni Sabrina M. masaya siyang nagflex ng larawan kasama ang tatlong lawyers na umano'y nagvolunteer na tulungan siya for free.
Nauna rito, nagbabala ang legal counsel ni Claudine Barretto na si Atty. Ferdinand Topacio na kung hindi magpa-public apology si Sabrina M. ay itutuloy na nila ang pagdi-demanda rito.
Ayon kay Atty. Topacio, kailangan humingi ng paumanhin ni Sabrina M. sa pamilya ni Rico Yan at bawiin ang sinasabi nitong secret relationship nila ng yumaong aktor sa mga panahong iyon.
Subalit, nanindigan si Sabrina M. at sinabing wala siyang dapat ihingi ng paumanhin dahil totoo ang kanyang mga sinasabi.
Handa rin umano siyang harapin ang mga kasong isasampa ni Claudine Barretto sa tulong ng kanyang tatlong lawyers na sina Atty. Juman Paa, Atty. Ananias Birad Jr., and Atty. Patrio Seneres Jr.
Pinayuhan na rin umano siya ng mga ito na huwag nang magbigay ng komento subalit, nais lamang niyang linawin na hinding-hindi siya magpapublic apology.
“Wala pong public apology na magaganap, kung ano man panakot na ikakaso nila, karapatan nila iyon at haharapin nalang namin ng mga abogado ko ang isasampa nila. Sinabihan na rin po ako ng abogado ko na ‘wag na mag comment pa,” pahayag ni Sabrina.
Samantala, narito naman ang komento ng ilang mga netizens sa isyu sa pagitan nina Sabrina M., Claudine Barretto at sa sinasabing relasyon ni Sabrina kay Rico Yan na matagal nang pumanaw.
"Bakit kaya alam pa nila kay Sabrina M if true yun , ayaw lang nilang tanggapin na si Rico Yan ngkaroon ng relasyon kay Sabrina M. Hay buhay nga naman ako I'm a fan ni Rico okay lang naman naging sila , what's wrong with that ?"
"Secret relationship nga eh.. pano nila nasabing alam nila? Edi hindi na secret yun kung sinabi mo sa kanila..
And Single si Rico yan.. he can chose whoever he wants hanggang makapili sya ng tamang babaeng pakakasalan..."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!