Sabrina M, Binigyan Nang Huling Pagkakataon Ni Claudine Barretto Bago Tutuluyan

Huwebes, Hulyo 13, 2023

/ by Lovely


 Binigyan ng huling pagkakataon ni Claudine Barretto ang dating sexy star na si Sabrina M na magpublic apology at bawiin ang naunang ipinahayag nito na pinatulan at naging girlfriend siya ng yumaong si Rico Yan.


Sa programa ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin, ipinahayag ng legal counsel ni Claudine Barretto na si Atty. Ferdinand Topacio ang kanilang desisyon hinggil sa isyu nina Claudine at Sabrina M.


“Tayo naman ay mga Kristiyano, para hindi na lumala ang sitwasyon na ito, mag-sorry siya in public kasi kasiraan ‘yung sinabi niya in public,” pahayag ni Atty. Topacio.


“Kasi when you impute a vice or a defect to someone kahit ito ay wala na, patay na… libel po ‘yan. Since ito ay naging online is cyber libel ‘yan pero ayaw naman natin ‘yan,” dagdag pa nito.


Pagpapatuloy pa ni Atty. Ferdinand Topacio, tanging kundisyon ni Claudine na magpublic apology lamang siya upang malinis ang nabahiran umanong pangalan ni Rico Yan.


“Mag-apologize ka na lang Sabrina M. Ayaw ko namang gawin ito sa iyo sapagkat iisang mundo lang ang ating ginagalawan ngunit huwag namang ganyan. Huwag naman tayong gumamit, lalong-lalo na ‘yung wala na rito sa mundo. Hindi na siya makapagsalita. Hindi na niya maipagtanggol ang sarili niya, hindi po tama ‘yan.”


Tatlong araw naman ang binigay nila kay Sabrina M. upang maglabas ng public apology para sa pagsisinungaling umano nito at pandadamay pa sa taong wala na dito sa mundo.


“We are giving you three days from today. Marami namang talk shows diyan. Please mag-sorry ka na kay Claudine. Mag-sorry ka sa pamilya ni Rico Yan. Mag-sorry ka sa alaala ni Rico Yan at tapusin na natin ito. Otherwise, much to our regret ay kailangan po kaming kumilos sa paraang legal… idedemanda po namin.”


Samantala, hindi pa nagbibigay ng sagot si Sabrina M hinggil sa nasabing kondisyon ni Claudine Barretto upang hindi na nito ituloy ang pagdedemanda kay Sabrina.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo