Rowena Guanzon, Pinagsabihan Si Claudine Barretto Sa Pagsampa ng Kaso Kay Sabrina M.

Martes, Hulyo 18, 2023

/ by Lovely

 

Kinukwestyon ng P3PWD Party-List Representative Atty. Rowena Guanzon ang dahilan ni Claudine Barretto sa pagsasampa ng kaso sa dating sexy star na si Sabrina M. kasunod ng pagsisiwalat nito ng secret relationship umano nila ni Rico Yan.


Matatandaan na sa isang press conference, isiniwalat ni Sabrina M. na pinatulan umano siya noon ng aktor na si Rico Yan at umabot sa ilang taon ang kanilang patagong relasyon hanggang sa tuluyang pagpanaw ng aktor.


Agad namang nagreact si Claudine Barretto at sa pamamagitan ng kanyang legal counsel na si Atty. Ferdinand Topacio naglabas sila ng hamon kay Sabrina. Kung saan ipinahayag ni Atty. Topacio na kailangang mag public apology ni Sabrina at bawiin ang kanyang mga naging pahayag tungkol kay Rico Yan na matagal nang namaalam.


Binigyan pa nila ng tatlong araw si Sabrina M. bilang palugit baka umano sila magsampa ng legal charges laban kay Sabrina M.


Subalit, nanindigan naman si Sabrina na walang public apology na magaganap at handa siyang harapin ang anumang kasong isasampa ni Claudine Barretto.


Sa kabilang banda, naglabas ng isang video si Rowena Guanzon kung saan sinabi niya ang kanyang opinyon sa napapabalitang pagsampa ng kaso ni Claudine Barretto.


Ayon kay Rowena Guanzon, walang karapatan na magsampa ng kaso si Claudine laban kay Sabrina M. dahil unang-una, hindi naman siya asawa ni Rico Yan.


Ipinahayag pa niya na ang may karapatan na magsampa ng kaso ay walang iba kundi ang mga magulang at pamilya ni Rico Yan.


“Ang tanong, sino ang may karapatan na magsampa ng libel? Asawa ba siya? Anak ba siya? Ina ba siya.” 


“Kung hindi, hindi pwedeng siya ang magsampa ng kaso [dahil] ang tawag doon ay wala siyang standing, wala kang karapatan,” pahayag ni Cong. Rowena Guanzon.


Narito naman ang ilang mga komento ng netizens sa opinyon ni Cong. Rowena Guanzon.


"Kaya nga po hahaha Ewan ko ba doon feeling wifey charot"


"Does S claiming to have had a relationship with R necessarily blacken his memory? Maybe only respect to C, but not everyone else"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo