Ricci Rivero, Maaring Makasuhan Dahil Sa Mga Isiniwalat Laban Kay Andrea Brillantes

Huwebes, Hulyo 13, 2023

/ by Lovely


 Hindi pa rin malimot-limot ng mga netizens ang naging pahayag ni Ricci Rivero sa naging guesting sa Fast Talk with Boy Abunda, kung saan isiniwalat niyang minsan ay nagli-live in na sila ni Andrea Brillantes.


“Siguro Tito Boy from time to time we do, pero ang gusto kasi ni Tita is for her to go home din. And ‘yun din naman ang sinasabi ko, ayoko rin na at this early age gusto ko mag-focus ka rin sa industry mo, sa work mo sa goals mo, ako kailangan ko ring mag-focus sa akin. Pero there are times na we do sleep together,” pag-amin noon ni Ricci Rivero.


Marami naman ang napareact sa rebelasyong ito ng basketball star dahil hindi umano ito normal na ginagawa ng lalaki. Nakatanggap din ng kaliwa't-kanang pambabatikos si Ricci Rivero dahil sa pagiging kiss and tell niya sa nangyayari sa relasyon nila ni Andrea Brillantes.


Samantala, maging ang abogado na si Atty. Claire Castro ay napareact na rin sa naging pahayag ni Ricci Rivero. Ayon kay Atty. Claire maaring kasuhan si Ricci Rivero.


“Siguro kung may namba-bash sa ‘yo, e, di tanggapin mo. Part of life na uso bashing ngayon. Sabi nga kapag may basher ka sikat ka na.”


Pagsesegunda naman Rod, “Sa showbiz kasi ganu’n ang mangyayari hindi lahat pabor sa ‘yo dahil pare-pareho kayo na may mga sumusuporta na tinatawag na mga fans.”


“Kaya sa akin lang ikaw ang lalaki, ikaw na ‘yung magpakatatag, ‘yung puso mo dapat maging bato sa basher kasi ‘yung babae (Andrea) hindi nagsasalita, eh,” muling pahayag ni Atty. Claire.


Pagpapatuloy pa ni Atty. Claire,  “May mga revelation siya na, sa akin as a mother nakakapantig ng tenga.  Unang-una pinapalabas niya na hindi siya ang may fault, parang sobra na at ang may kasalanan si Andrea kahit hindi mo sabihin iyon pa rin ang dating.


“E, for a guy na mag-pinpoint ka sa babae na siya ‘yung mali na hindi naman nagsasalita ‘yung babae napaka-ungentleman ng dating.


“Tapos ito pa partner, kasi tinanong siya kung nagli-live in sila.  Imagine…. Tapos tinanong kung did you try to win her back tapos sabi niya, ‘no.’ Wow, ang pogi mo! Ang pogi mo talaga.”


Samantala, ipinahayag ni Atty. Claire na maaring kasuhan ni Andrea Brillantes si Ricci Rivero kung nakakaranas ang aktres ng mental and emotional anguish.


“Partner kung si Andrea ay makakaranas ng mental and emotional anguish, public ridicule (humiliation) papasok ito sa Violation Against Women And Children (VAWC) Section 5 ito partner paragraph (i), 


“Causing mental or emotional anguish, public ridicule or humiliation to the woman and her child, including, but not limited to, repeated vermal and emotional abuse, and denial, of financial support or custody of minor children of access to the woman’s child/children.


“Kaya puwede siyang makasuhan. May mga bagay-bagay na akala ninyo tama ang ginagawa n’yo, para kayo ‘yung maging malinis sa mata ng ibang tao tapos nagpu-put down kayo especially babae pa ‘yung pinu-put down mo.  napaka-ungentleman."


Gayunpaman, malinaw na ipinahayag ni Atty. Claire na hindi niya jina-judge ang buong pagkatao ni Ricci Rivero. Hinuhusgahan lamang umano nila ito base sa kanyang mga ipinapakita at kanyang ginagawa.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo