Muli na namang naging laman sa mga usap-usapan online ang naging pahayag ng basketball player na si Ricci Rivero sa naging panayam niya sa vlog ni Isko Moreno.
Kabilang sa mga naitanong kay Ricci Rivero ay kung ano ang kanyang gustong babae ngayon.
Agad naman itong singot ni Ricci Rivero na mas gusto niya ngayon ang babaeng matured.
Gusto rin umano niya ang babaeng simpe, family-oriented at iyong may takot sa Diyos.
Matatandaan na kamakailan lamang ay kinumpirma mismo ni Ricci Rivero ang nangyaring hiwalayan nila ng kanyang nobya na si Andrea Brillantes matapos ang mahigit isang taon.
Isa sa nakikita umanong dahilan ni Ricci Rivero kung bakit nagwakas ang kanilang relasyon ay pagiging isip-bata nilang dalawa.
“Marami naman siyang puwedeng factors — could be both ‘yung maturity namin pareho, puwedeng ganoon. For whatever reason lang, may inaayos kami na sa’kin normal naman po para sa relationships,” pahayag ni Ricci.
Samantala, agad namang umani ng samu't-saring komento ang pahayag na ito ni Ricci lalo na ang pahayag niya tungkol sa mga babaeng matured.
Ayon sa ilang mga netizens na tila patama umano ito kay Andrea Brillantes na ilang beses nang nababatikos dahil sa pagiging isip-bata.
Matatandaan na naging viral noon ang pagbe-baby talk ni Andrea Brillantes habang nagbabasyon sila ni Ricci Rivero at ilang malalapit na kaibigan.
Naging usap-usapan rin ang naging patutsada ni Rendon Labador kay Andrea Brillantes sa pagiging isip-bata nito kaya iniiwan ng boyfriend, matapos makisabay ni Andrea sa trend na Lato-Lato game ng mga bata.
May mga nagsasabi rin na baka ang tinutukoy ni Ricci Rivero na babaeng matured ay walang iba kundi ang nauna nang nalink sa kanyang babae na si Leren Mae Bautista.
Si Leren Mae Bautista ay isang beauty queen politician na naissue kay Ricci Rivero matapos kumalat ang kanilang mga larawan na magkasama sa mismong kaarawan ni Ricci.
Subalit, pareho naman nilang pinabulaanan ang isyu.
"Hayaan nlang sana ni ricci mamatay ang isyu about sa kanila ni andrea hindi dapat binabanggit pa sa mga interviews or guesting n’ya.defensive tuloy ang dating and to think sa kanya pa mismo unang lumabas na break na sila at ngayon dada pa rin siya ng dada.USER?maybe...hmm."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!