Reporter Ng ABS-CBN Na Si Mario Dumaual, Puman5w Na!

Miyerkules, Hulyo 5, 2023

/ by Lovely


 Muling nagdadalamhati ngayon ang buong entertainment industry, kasunod ng malungkot na balitang pumanaw na ang ABS-CBN reporter na si Mario Dumaual.


Nauna nang naiulat ang pagkakasugod sa hospital kay Mario Dumaual matapos itong atakehin sa puso noong unang linggo ng June at ngayon July 5, 2023 tuluyan na itong namaalam.


Ilang linggo ring namalagi si Mario Dumaual sa ICU dala ng kritikal niyang kondisyon.


Bukod sa pag-atake sa puso, nagkaroon din ng iba pang health complications si Mario Dumaual dala na rin ng kanyang edad.


Nagkaroon umano ng fungal infection si Mario Dumaual at inoobserbahan rin ang kanyang blood pressure. Sumalang din sa iba't-ibang medikal tests si Mario.


Kamakailan lamang, ay humingi pa ng financial help ang kanyang kasamahang si Mark Logan para sa kanyang pangangailangan nila sa hospital.


Subalit, ngayon lamang ay tuluyan na ngang sumuko si Mario Dumaual sa kanyang pakikipaglaban sa buhay.


"I am very saddened with the passing of one of the pillars in entertainment journalism in the country, Tito Mario Dumaual. Thank you for the coverage of every pageant stories related to me and to my queens and kings, many times. From my pageant journey to Mr. Gay World Philippines and my Herlene’s journey to Bb. Pilipinas," pagsisiwalat ni Wilbert Tolentino.


Bumuhos naman ang mga mensahe ng pakikiramay para sa naiwang pamilya ng reporter.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo