Rendon Labador Tinawag Na Plastic at Expired Si Lea Salonga

Martes, Hulyo 18, 2023

/ by Lovely


Hindi pinalampas ng motivational speaker at businessman na si Rendon Labador ang Broadway singer na si Lea Salonga matapos kumalat ang video kung saan tinanggihan ng singer ang kanyang fans na humingi ng grofie photo.


“Who are you? I’m sorry, I don’t know who you are,” pahayag ni Lea Salonga sa kanyang mga fans na humihiling na litrato sa kanya.


“If you’re not on the guest list we cannot have you back here. So, you’ll have to get to the door because if I allow this now then other people are gonna take advantage."


 Agad namang nilinaw ni Lea Salonga ang kanyang side sa isang panayam at ipinaliwanag kung bakit tinaboy at hindi niya pinagbigyan ang kanyang mga fans.


“My personal boundaries and space were violated; what am I supposed to react?” pahayag ni Lea Salonga.


Samantala, naniniwala naman umano sa explanation ni Lea Salonga si Rendon Labador. Subalit tila iba umano ang makikita sa body language nito. Kaya naman masasabi niyang plastic ang international singer.


“Okay yung paliwanag pero hindi maganda ‘yung body language. Plastic si Lea Salonga.”




Ipinunto rin ni Rendon Labador na expired na rin si Lea Salonga katulad ng iba pang celebrities na kanyang binanatan.


Sa iba pang post, muling binanatan ni Rendon Labador si Lea Salonga kung saan sinabi niyang hindi pa tinatrato ng maayos ni Lea ang kanyang mga followers gayung maliit lamang ang bilang ng mga ito.


“Ilang piraso na nga lang ‘yung fans mo hindi mo pa ma cater [facepalm emoji] Madami talagang artista na may attitude sa totoong buhay. Kaya din kayo nalalaos.”


Sa ngayon ay hindi pa sinasagot ni Lea Salonga ang pambabanat sa kanya ni Rendon Labador. Subalit, pinagtatanggol naman siya ng ilang mga fans.


"sir5 ulo ka rendon . si lea salonga hnd mo kilala international singer yan. maraming award yan. mag research k muna bago k bumanat. dapat sau i block lahat ng social media mo. lahat n lng tinira mo. rumespeto k nman."


"Kaya po ganyan yan si Mr. Rendon Labador dahil wala pong pumapansin sa kanya kung hindi sya mang titira ng ibang tao na mas may K sa kanya. Puro lang po sya daldal... Keyboard warrior nga diba? At hindi din po papatol dyan si Ms. Lea kasi hindi naman sya kilala nito"

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo