Rendon Labador, Tinanggal Sa Episode Bar + Kitchen

Linggo, Hulyo 23, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay ng nakakagulat na pahayag ang Episode Bar + Kitchen kung saan ipinahayag nilang hindi na magiging kabahagi ng kanilang negosyo ang motivational speaker na si Rendon Labador.


Matatandaan na si Rendon Labador ang siyang nagpo-promote ng Episode Bar + Kitchen na inakala ng lahat na siya ang nagmamay-ari o may pinakamalaking shares rito.


Subalit, ayon sa official statement ng Restobar, na acquire ng panibagong party ang restaurant. Sa pagkakaroon ng panibagong management, napagpasyahan na tanggalin rin si Rendon Labador at itigil na rin nito ang pagpopromote ng restaurant sa mga costumers.


"We wish to inform our esteemed patrons and community that Episode Bar + Kitchen has recently been acquired. Following this change, Mr. Rendon Labador has severed all associations with Episode Bar + Kitchen."


“This transformation allows us to further enhance our dedication to our core values of positivity, excellent service, and delectable food. These values remain the backbone of Episode Bar + Kitchen, guiding our way forward independent of past affiliations,” pahayag ng restobar.


Bukod sa pagtanggal nila kay Rendon Labador, inanunsyo ng Episode Bar + Kitchen na ang kanilang motivational rice ay 50 pesos na lamang.


Tila labis na naapektuhan ang Episode Bar + Kitchen sa mga pambabatikos at negativity na natatanggap ni Rendon Labador dahil sa kanyang pambabanat sa ilang mga sikat na artista.


Isa pa sa mga inirereklamo ng mga costumer ay ang napakamahal na rice sa kanilang restaurant, na naunang ipinagdidiinan ni Rendon na hindi niya babawasan ang presyo.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga netizens ang natuwa sa desisyon ng restaurant sa pakikipag part ways kay Rendon Labador na puro negativity lamang umano ang naibibigay sa restaurant.


“If this is true ….BEST decision ever! Negativity + food biz will never work out. Paano kayo manliligaw ng customers if the previous image endorser keeps on projecting negative vibes and casting destructive criticisms on social media. I agree with purging all the negative vibes of EP. Good luck and hoping that your bizz will thrive better!”


“Well good decision for the long run, para di na ma-damage yung image ng resto and more customers will come and enjoy the resto. Hindi na magiging dahilan ang isang tao para walang pumunta.”


Samantala, hindi pa nagbibigay ng pahayag si Rendon Labador hinggil sa desisyong ito ng Episode Bar + Kitchen na siya pa naman ang nagpasikat.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo