Rendon Labador, Sinabing Dapat Mabul0k Sa Kulungan Si Awra Briguela

Lunes, Hulyo 3, 2023

/ by Lovely

Talagang hindi nagpapahuli ang motivational speaker at businessman na si Rendon Labador sa paglalabas ng saloobin hinggil sa isyung kinakaharap ngayon ni Awra Briguela.


Kung siya umano ang tatanungin, nararapat lamang umano kay Awra na mabulok sa kulungan matapos ang kanyang hindi magandang asal sa loob ng isang pampublikong lugar.


“Yung mga kabataan na ‘yan, mga entitled na tao, dapat mapanagutan ninyo ‘yung mga ginagawa ninyong kalokohan.”


“Kaya kung ako ang masusunod, dapat mabulok ‘yang mga ‘yan para matuto,” diretsahang pahayag ni Rendon Labador.


Pinayuhan din ni Rendon Labador ang mga netizens maging ang ilang mga celebrities na patuloy na sumusuporta kay Awra at tila kumbinsidong wala itong ginawang mali.


Ayon kay Rendon Labador, dapat nilang hayaan ang mga otoridad na gumawa ng imbestigasyon sa nangyari sa bar at kung ano talaga ang pinagmulan ng nasabing rambulan.


“Ang mahirap sa mga Pilipino, ang gagaling eh, ang tatalino niyo eh, masyado kayong maraming reaksyon sa nangyayari.”


“Hindi niyo tinitingnan kung ano ba talaga ang dapat gawin dito. Ang tamang gawin dito itama ang utak ng mga kabataan, kasi ‘yung mga ganyang sitwasyon, pang-low class saka mga walang kwentang tao, walang pinag-aralan,” saad ni Rendon Labador.


Matatandaan na nasangkot sa isang rambulan si Awra Briguela noong huwebes, June 29, 2023 sa isang bar sa Poblacion, Makati.


Hindi naman naging malinaw ang totoong nangyari na siyang pinagmulan ng gulo dahil magkaiba ang kwento ng magkabilang panig.


Ayon sa nagsampa ng reklamo kay Awra, nagalit ang aktor, matapos ang hindi niya paghuhupad ng pantalon.


Samantalang ayon naman sa mga kaibigan ni Awra, ipinagtanggol lamang siya nito sa mga lalaking nambastos sa kanya.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo