Rendon Labador, Sina Tito Sotto at Helen Gamboa Naman Ang Target Matapos Sa Ginawa ng Mga Ito Sa E.A.T

Lunes, Hulyo 31, 2023

/ by Lovely


 Muli na namang nakahanap ng panibagong target ang motivational speaker na si Rendon Labador sa kanyang mga pambabanat sa ilang mga showbiz personalities.


Tila nagbago na naman ang target ni Rendon Labador matapos niyang batikusin ang kissing scene nina Tito Sotto at Helen Gamboa sa isang episode ng E.A.T. habang naka-live sa TV.


Noong July 29, 2023, ipinagdiwang ng dating Eat Bulaga hosts sa panibago nilang programa  ang 44 years anniversary. Sa kaparehong episode, ipinakita nina Tito Sotto at Helen Gamboa ang kanilang pagmamahalan.


Sa kabilang banda, tila hindi rin ito nagustuhan ni Rendon Labador at sinasabi niyang indecent acts ang ginawa nina Tito Sotto at Helen Gamboa sa E.A.T.


“Sumubusobra na kayo! Hindi ka inilagay sa Senado ng taong bayan para mag pakita ng kabastusan,” pahayag ni Rendon Labador. 


“Mawalang galang na Tito Sen! Baka nakalimutan mong nirerepresent mo kami? Ano yang pinag gagawa mo? Dapat nga ikaw ang manguna sa pagpapatupad ng mga tamang gawain. Nakakawala ng moral kapag ganyan ang nakikita ng taong bayan.” 


Dagdag pa ni Rendon Labador, “Inaayos ko ang Pilipinas tapos sinisira naman niyo.”


Muli ring nanawagan sa MTRCB si Rendon Labador na i-review ang ginawa nina Tito Sotto at Helen Gamboa sa show.


Matatandaan na ipinahayag rin ni Rendon Labador  ang kanyang disgusto sa ginawa nina Vice Ganda at Ion Perez sa It's Showtime. 


Agad namang pinatawag sina Ion at Vice ng MTRCB kaya naman hiling din ng mga It's Showtime fans na maging sina Tito Sotto at Helen Gamboa ay ipatawag rin dahil sa indecent acts nila.


Subalit, ayon sa ilang mga netizens na hindi ito mangyayari dahil anak nina Tito Sotto at Helen Gamboa ang chairperson ng MTRCB.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo