Vice Ganda, Pinatulan Ang Mga Banat Ni Rendon Labador!

Huwebes, Hulyo 27, 2023

/ by Lovely


 Hindi pinalampas ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang pambabanat sa kanila ng motivational speaker na si Rendon Labador.


Matatandaan na ipinahayag ni Rendon Labador ang kanyang pagkakadisgusto sa ginawa nina Vice Ganda at Ion Perez sa isang episode ng It's Showtime dahil rated SPG na umano ito at sa harap pa umano mismo ng mga bata.


Nanawagan pa si Rendon Labador sa MTRCB na huwag umanong tutulog-tulog at pagtuunan ng pansin ang mga kahayupang pinaggagawa nina Vice Ganda at Ion Perez sa It's Showtime.


“Wala namang masama na mag baklaan kayo, pero sana ilugar ninyo ang kahayupan! Huwag sa show ng mga bata! I support & respect the LGBTQ+ community pero yung mga ganitong klaseng tao ay hindi pwedeng itolerate! Mas masahol pa ito kay Pura Luka Vega.”


Samantala tila sinagot naman ni Vice Ganda sa pamamagitan ng isang tweet ang pambabanat sa kanila ni Rendon Labador.


Ayon kay Vice Ganda, may mga tao talaga na handang maging toxic para lamang sumikat.


“Kung anu ano na talaga ang pinapasok at ginagawa ng ilang tao para lang sumikat no? Yung kahit magpakatoxic kakaririn nila basta makaamot lang ng relevance. How pathetic! Ang sad! It’s not mothering!”


Bagama't hindi pinangalanan, iniisip ng mga netizens na ang pinapatungkulan ni Vice Ganda ay walang iba kundi si Rendon Labador.


“Tapos yung ibang tao ginagawang negosyo ang bawat kaunting isyu para magkaroon ng maraming views at kumita. Ginagawang negosyo yung ganung paraan. Hahaha.”


“Eto ba yung Rendon? Kasi parang sya yung dinedescribe. Todo papansin and flamebaiting, ang desperado na hahaha!”


“Makakahanap dn yan ng tutumba sa knya sa dami ng binabangga d nalang magng masaya sa buhay. Ketapang tapang wala naman binatbat yang hinayupak na yn! Wg m patulan vice at sisikat pa sya. Sakit sa bangs.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo