Pinangaralan ng Motivational speaker at businessman na si Rendon Labador si Sen. Raffy Tulfo kasunod ng pakikialam umano nito sa imbestigasyon ng mga pulis sa kaso ni Awra Briguela.
Matatandaan na pinagsabihan ni Sen. Raffy Tulfo ang chief of Police ng Makati City na si Col. Edward Cutiyog kasunod ng pahayag ng huli sa naging sanhi sa pagwawala ni Awra Briguela sa Bolthole Bar Poblacion, Makati City.
Inalmahan ng Senador ang naging pahayag ni Col. Edward Cutiyog patungkol sa pagiging agresibo ni Awra at ang kagustuhan umano nitong makakita ng katawan ng lalaki dahil sa pagiging gay.
“E alam mo naman, si Awra is gay. Gusto niyang makita ‘yung magandang katawan,” pagpapahayag noon ng Chief of Police.
“Ay hindi , sir. Mali ka dyan, sir. Huwag, sir. Huwag ganoon. Palibhasa gay, gusto makita agad ang katawan ng isang lalaki? Siguro may pinagmulan yung kaguluhan. Paano n’yo po nalaman na nagsasabi ng totoo itong complainant na pinaghuhubad siya ni Awra?” pag-alma naman ni Sen. Raffy Tulfo.
Samantala sa kamakailang Facebook post ni Rendon Labador, ipinahayag niya na sumusobra na umano ang pahayag at pakikialam ni Raffy Tulfo. Pinayuhan pa ni Rendon ang senador na i-tone down ang mga statements nito.
“Ang mali kasi ay parang pinahiya mo naman agad yung public servant na ginagawa lang naman ang trabaho. Sumusobra nadin kayo minsan! Paalala lang, mag hinay hinay din tayo. #stayMotivated,” pahayag ni Rendon Labador.
Samantala, hindi pa sumasagot si Sen. Raffy Tulfo sa naging banat ni Rendon Labador laban sa kanya.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!