Rendon Labador Naniniwalang Ang Mga 'P4ngit' Ang Sasagot Sa Mga Dates

Martes, Hulyo 4, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay ng prangkang pahayag ang motivitional speaker na si Rendon Labador, patungkol sa naging payo noon ni Mimiyuuuh na, 'huwag makipagrelasyon sa financially unstable na tao'.


Matatandaang, nauna nang umani ng samu't-saring reaksyon ang pahayag na ito ng vlogger at YouTube content creator patungkol sa pakikipagrelasyon.


“Unang-una, bakit naman ho kasi kayo magjo-jowa ng walang pera? Diyan ka nagkamali eh, nag-jowa ka ng walang pera,” pahayag noon ni Mimiyuuuh.


Dagdag pa niya, “Iyan ang aking lesson learned, never ever date someone na walang pera.”


Subalit, iba naman ang pananaw ng motivational speaker at businessman na si Rendon Labador sa pakikipagdate. Para sa kanya, ang dapat na magbayad at sumagot sa mga dates ay ang mas pangit.


“Kung pangit ka ikaw talaga taga bayad. Unfair yun kung pangit ka na nga tapos i-lilibre ka pa? Baka smpal*n kita,” prangkang pahayag ni Rendon Labador bilang reaksyon sa nauna pahayag ni Mimiyuuuh.


Ibinahagi pa ito ni Rendon sa isa sa kanyang mga social media post kalakip ang caption na, hindi pa umano nararanasan ni Mimiyuuuh na mailibre.


"Hindi niya naranasan ilibre," caption ni Rendon na sinundan ng mga teary-eyed laughing emoji.


Agad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens. Subalit kapansin-pansin na tila mas marami ang sumang-ayon ngayon sa kontrobersyal motivational speaker.


“This time boss rendon im with you.. basag sya.. ampanget ng statement nya kasi eh.”


“Mukhang agree ako sayo ngayon dre ah.” 


Sa ngayon ay hindi pa rin sumasagot si Mimiyuuuh sa pahayag na ito ni Rendon Labador, maging sa iba pang pambabatikos sa kanysa kasunod ng kanyang pahayag.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo