Rendon Labador, Kakasa Sa Hamon Ni Paolo Contis Sa Isang Kondisyon

Lunes, Hulyo 3, 2023

/ by Lovely




 Tila kakasa sa hamon ni Paolo Contis ang motivational speaker at businessman na si Rendon Labador.


Matatandaan na tila sumabog na ang inis ni Paolo Contis sa kanyang mga bashers na palagi na lamang siyang iniisyu at binalik-balikan ang kanyang pagkakamali noon.


Ayon kay Paolo Contis, matatapang lamang umano ang kanyang mga bashers dahil hindi siya kaharap ng mga ito.


Kaya hinamon niya ang mga bashers na sabihin sa kanya ng harapan ang mga pambabatikos upang masapak niya.


“To be honest, oo, minsan magugulat ka na, ‘Ano? Wow, saan galing yon? Sa ‘yo ba nangyari?’ But it’s the social media thing.”


“Kasi, hindi sila masasapak sa mukha habang sinasabi nila yon. Subukan nilang sabihin sa harap ko yon kung ano ang mangyayari sa kanila. Kaya tumapang ang mga tao, e. Pero kapag tinanong mo ang ano, zero, zero! Ay, imbento, tigilan ako,” paghahamon ni Paolo.


Sinagot naman ito ng controversial motivational speaker na si Rendon Labador kasabay ng kanyang pagpupuntong walang magsasayang oras sa isang katulad ni Paolo Contis na isang irresponsableng ama.


“Walang gustong maki pag s*pakan sa artistang laos at wala ng kapera pera. Advise ko sayo bro, tapangan mo munang mag sustento sa mga anak mo baka pag bigyan kita sa hamon mo,” prangkang bwelta ni Rendon Labador.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo