Hindi pinalampas ng self-proclaimed motivational speaker at businessman na si Rendon Labador ang sunod-sunod na pambabanat ng Henyo Master na si Joey De Leon sa mga host sa katapat nilang noontime show.
Matatandaan na naunang binanatan ni Joey De Leon ang pagsakay ni Vice Ganda sa helicopter noong pilot episode ng It's Showtime na kasalukuyang ipinapalabas na rin sa GTV.
Kamakailan lamang ay ipinagdiinan din ni Joey De Leon na sila ang legit kaya naman pinapatigil na niya ang mga peke na tumutukoy naman sa mga host na pumalit sa kanila sa Eat Bulaga.
“Kami legit, yung mga alam niyo na, peke, baliktarin niyo yung legit, tigel na kayo please, okay?”
Hindi na ito pinalampas ni Rendon Labador, ipinahayag ni Rendon na hindi na nakakatuwa at nakakatawa ang mga biro ngayon ni Joey De Leon. Tila nalimutan na rin umano ng TVJ na kung hindi nag-invest sa kanila ng TAPE Inc. ay wala rin sila sa mga kinalalagyan nila ngayon.
“Sa totoo lang T.A.E. kayong tatlo kung hindi nag invest sa inyo ang TAPE. Hindi ninyo nakita ang ilang taong lugi nila sa inyo, Nag invest sila sa inyo nung nag sisimula palang kayo at hindi ninyo nakita yun kasi nabulag kayo sa kasikatan."
“Hindi na ako natutuwa sayo Joey sa kakaparinig mo. Move on ka nalang at gawin ang trabaho mo! Sumusobra ka na! I stand sa mga negosyante na tumutulong lang naman pero sa huli ay parang sila pa yung napasama.”
Kamusta na kaya ang kaso ni Pepsi Paloma...yun ni-reyp nila Joey, Vic at Ritchie. Hanggang ngayon di sila tumatanggi at di rin nagsasalita tungkol sa issue pati na si Tito Sotto. Ang babait kuno ng TVJ pero may mga skeletons in the closet din naman. Kayong supporters ng TVJ magisip isip nga kayo....minamahal nyo pala mga reypists!
TumugonBurahin