Hindi nagustuhan ng motivational speaker na si Rendon Labador ang eksena nina Vice Ganda at Ion Perez sa isang segment ng It's Showtime.
Para kay Rendon Labador, mas masahol pa umano ang ginawa nina Vice Ganda at Ion Perez sa harap ng mga bata kaysa sa ginawa kamakailan ni Pura Luka Vega.
Sa kabila nito, iginiit naman ni Rendon Labador na sinusuportahan pa rin niya ang LGBTQ+ community pero hindi umano dapat pabayaan na lamang ang pinaggagawa nina Ion Perez at Vice Ganda sa harap pa mismo ng mga bata.
“I support & respect the LGBTQ+ community pero yung mga ganitong klaseng mga tao ay hindi pwedeng itolerate!!! Mas masahol pa ito kay Pura Luka Vega!”
Dagdag pa ni Rendon Labador, "Wala namang masama na mag baklaan kayo, pero sana ilugar ninyo ang kahayupan! Huwag sa show ng mga bata."
Nananawagan din si Rendon Labador sa MTRCB at sa pamunuan ng ABS-CBN hinggil sa mga pinaggagawa nina Vice Ganda at Ion Perez.
Agad namang umani ng reaksyon at komento ang mga pahayag ni Rendon. Kapansin-pansin sa pagkakataong ito, marami ang sumang-ayon sa mga naging pahayag ni Rendon Labador.
"Matagal na kong tutol at hindi sang ayon sa mga panghihimasok mo Rendon pero sa puntong to, nakagawa ka na yata ng tama."
"Pwede naman palang tama ka din! Pag ganyan iagpatuloy mo suportado ka ng madla.."
"Yun oh . May nasita din maayos si mr. Motivational rice . Isang boto para sayo"
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!