Rendon Labador, Dismayado Sa Sagot Ni Vice Ganda Public Apology Ang Hinihintay

Huwebes, Hulyo 27, 2023

/ by Lovely


 Muling nadismaya si Rendon Labador sa naging sagot sa kanya ni Vice Ganda, matapos ang pagpuna niya sa kahayupan na ginagawa umano nito kasama ng kanyang boyfriend na si Ion Perez.


Ang hinihintay umanong sagot ni Rendon Labador mula kay Vice ay isang public apology subalit malabo na itong mangyari.


“I’m expecting a public apology. Hayup talaga! Wala talagang paki alam sa mga bata!”


Matatandaan na inalmahan ni Rendon Labador ang ginawa nina Vice Ganda at Ion Perez sa isang segment ng showtime kung saan nagsusubuan sila ng cake icing.


Hindi ito nagustuhan ni Rendon Labador at maging ng ilang mga netizens dahil sa harap pa umano ng mga bata nila ito ginawa.


Gayunpaman, tila hindi naman apektado si Vice Ganda sa pag-call out ni Rendon Labador, bagkus pinaringgan pa nito ang motivational speaker kung saan ipinunto niyang nakikisakay lamang ito sa fame ng iba para naman mapag-usapan ng mga netizens.


“Kung anu ano na talaga ang pinapasok at ginagawa ng ilang tao para lang sumikat no? Yung kahit magpakatoxic kakaririn nila basta makaamot lang ng relevance. How pathetic! Ang sad! It’s not mothering!”


Samantala, hindi pa sumasagot ang MTRCB sa naging panawagan ni Rendon Labador.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo